What does it mean to die?
Kapag ba nawalan ka ng hininga at malamig na ang katawan mo, ibig sabihin ba nito ay patay ka na? Kung ang puso ay hindi na tumitibok, ang dugo ay hindi na dumadaloy, masasabi mo bang patay na ang isang tao?
Patay na nga ba ang isang tao kapag wala nang buhay ang katawan nito?
Tumingala si Patricia sa kalangitan at inunat ang mga braso. Malalim na ang gabi at nasa tabing dagat ang dalaga. Malamig ang hangin, sobrang tahimik ng lugar at tanging ang paghampas ng tubig sa buhangin ang nagbibigay buhay sa madilim na lugar.
Inunat ni Patricia ang kanyang braso at binuka ang palad na tila inaabot ang mga bituin sa langit. Pagkatapos ng ilang taong parang multong nagpalaboy laboy si Patricia sa buong mundo, ay nagbalik siya sa bayang sinilangan.
Isang daang taon na rin simula noong makilala niya ang anghel na si Gabriel. Kahit sobrang tagal na simula nang mangyari ang mga iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Patricia sa mga pagbabago sa buhay niya.
Dahil sa mabigat na kasalanang ginawa ay pinarusahan siya ng walang katapusang reinkarnasyon at binigyan ng misyon. Binigyan siya ng bagong katawan, mukha, at pagkakakilanlan upang maisagawa ang kanyang misyon.
"Prevent those people who wished to die and commit suicide, untill your mission is complete, the heaven will not hear your wishes."
Fifty lone souls, limampung kaluluwa ang kanyang kailangang iligtas. Lumingon siya sa gilid at binaba ang braso. Kahit madilim ay naaninag niya ang isang aninong patungo sa dagat.
For the past years Patricia spends her time saving lives. Gusto niyang matawa sa sitwasyon niya. How ironic when she can't even save her own life.
"What does it mean to die?" saad niya sapat lang para marinig ng taong iyon. Isinatinig niya ang kanina niya pang iniisip. "When our mortal body no longer houses our soul, does it mean we are dead?"
Napahinto ang taong iyon nang marinig ang mga tanong niya. Nagpasyang bumangon ni Patricia at dahan dahang nilapitan ang anino ng isang lalaki. Nasa bewang na nito ang tubig at mukhang walang balak lumangoy ang lalaki.
"Lahat ng tao may memorya. Para sa akin, hangat may nakakaalala sa akin, kahit mamatay ako ay buhay pa rin ako sa alaala ng mga mahal ko," bulong niya ngunit sigurado siyang narinig ito ng lalaki. "Hindi ba, Asta?"
The man is her 50th soul. The lone soul who no longer holds the will to live. He didn't came here to have fun, he came here to end his miserable life.
Lumingon ito nang marinig ang pangalan. Confusion is mirrored in his eyes as he gazed at her like she's a crazy woman. Hindi niya pinansin ang tingin nito at sumulong na rin sa tubig.
She guided her body to float near him, her jeans and shirt wet from the water but she didn't mind it.
"Sabi nila, ang kaluluwa ay mapupunta sa purgatoryo, ang lugar kung saan lilinisin ang iyong kaluluwa para ihanda ka sa pag akyat sa langit... Naniniwala ka bang may langit at impyerno, Asta?"
Patricia's body floated around him, ang kanyang katawan ay tila sobrang gaan dahil hindi man lang ito lumulubog sa tubig kahit basang basa na ang kanyang damit. Pinapaikutan niya ang nakatayong lalaki, sinusundan nito bawat galaw niya. Tahimik lang ito, ngunit alam niyang pinapakingan siya nito.
His response was just pure silence. As the wind blows and hugged their soaked boy, shivers ran down their spine. Patricia showed no signs of feeling the cold air, ngunit ang lalaki ay bahagyang nanginig.
"Ang langit ay puno ng kumikinang na bagay, walang halong ibang kulay kundi purong ginto. Mga poste na mas malaki pa sa gusali, mga nakalutang na lupa kung saan naninirahan ang iba't ibang klase ng kaluluwa," she described the Heaven as what she saw a hundred years ago.
The feeling of seeing the Heaven is still engraved in her heart. The memory of the glorious place lingered in her mind. The Archangel gave her the taste of Heaven, and Patricia never wanted anything in her life but to rest in peace in the paradise.
But because of her sin, her wonderful dream shattered.
"The angels never live in Heaven. They have their own home, a home where the closest to the Creator. They get their missions directly from Him. Angels are such a wonderful creatures, their faith is unparalleled."
May napansin siyang isang bulto ng babaeng nakatalikod sa kanila, naglalakad na ito palayo at sumasabay sa ihip ng hangin ang buhok nito. Her white dress fits perfectly in her body as it dances with her movements.
Hindi na lamang niya ito pinagtuonan ng pansin at pumikit.
"Bangag ka ba?"
Finally, the man opened his mouth. Pero ang lumabas sa bibig nito ay mukhang nag-iinsulto, sa tono pa lang ng pananalita nito ay siguradong naiirita na ito sa kanya. But Patricia is tougher than you think, for years she put up with this kind of attitude. Kaya balewala lang sa kanya kung anong sasabihin nito.
Pero huwag na huwag lang itong magmumura, kundi ay tatahiin niya ang makasalanang bibig na iyan.
"Kung maka-describe ka sa langit at mga anghel, parang nakita mo na. High ka siguro no?" patuloy nito, mukhang nakalimutan na ng binata kung anong ipinunta nito sa dagat.
Hindi sumagot si Patricia, parang wala itong naririnig at sadyang nakapikit lamang habang nagsasalita ang lalaki. Naglakad na ito paahon sa dagat, kunot ang noo at nakasimangot ang bibig.
Nawalan na ito ng ganang ipagpatuloy ang plano, ikaw ba naman sabihan ng ganoon, magagawa mo pa kayang magpakamatay? Kinukunsensya siya ng babae, hindi man niya ito kilala pero alam nito ang pangalan niya.
Isang salita lang ang pwedeng itawag dito. Weirdo.
"Hindi ko alam kung anong trip mo, pero huwag mo na akong guluhin. Bumili ka ng kausap, bahala ka sa buhay mo."
Huling saad nito habang unti-unting lumalayo. Nanatiling nakalutang lamang ang katawan ni Patricia sa dagat, ang lamig ay tila hindi niya alintana. Dahan dahan siyang tumayo nang maramdamang umalis na ang lalaki.
Her eyes are looking at the trail he left behind. Kalmadong hinawi niya ang basang buhok at naglakad na paalis.
This is just the beggining. May mas marami pang pagkakataon na pwedeng ituloy nito ang planong magpatiwakil, Patricia need to baby sit this man for who knows how long.
BUMALIK si Asta sa venue ng anniversary party ng mga kasosyo ng kanyang parents sa negosyo. Wala sana siyang balak dumalo ngunit nagpumilit ang kanyang kaibigan na kailangan niyang mag unwind daw kuno.
Unwind? Makakapag-unwind ba siya kung kakaburol lang ng kapatid niya? Anong klaseng kapatid siya kung magsasaya kaagad siya kahit halos kakaburol lang nito?
Kahit gusto ng magwala ni Asta wala siyang magawa. May mangyayari ba kapag nagwala siya? Maibabalik ba nito ang buhay na nawala? Maibabalik ba nito ang pamilya niya? Hindi. Kahit kailan, hindi na babalik ang pamilya niya.
Kaya bakit pa ba siya nabubuhay? Wala ng silbi ang buhay niya. Kung wala naman siyang pamilyang mauuwian, mas mabuting sumunod nalang siya sa mga namayapa niyang ama, ina at kapatid.
Pero kung kailan buo na ang desisyon niyang magpakalunod sa kalungkutan, doon naman may dumating na asungot. Hindi niya alam kung may sira ba sa utak ang babaeng iyon o sadyang high lang talaga.
Ang perfect pa naman sana ng plano niya. Maganda ang lugar na pinagdaluhan ng anniversary party. Sa beach resort ng mismong pamilya nila, ito ang kauna-unahang beach resort na tinatag ng kanyang mga magulang.
Dito sa beach resort na ito sila bumuo ng mga masasayang alaala, kaya nga rin nag-aatubili siyang dumalo, dahil marami siyang memorya sa lugar na ito. Pero dahil mapilit ang kaibigan niya, nahila siya nito rito.
At dahil nandito na rin naman siya, ang lugar kung saan puno ng masayang alaala, dito na rin niya naisipang wakasan ang kanyang malungkot na tadhana.
Pero kung mamalasin ka nga naman, may babaeng weirdo pang nangialam. Kung sana nanood nalang ito kung paano siya malunod, lumulutang na sana ang katawan niya ngayon sa dagat.
Ngunit nakakapagtaka, hindi niya napansin ang babaeng iyon nang dumating siya sa tabing dagat. Sigurado rin siyang hindi ito guest dahil sa damit nitong parang namamasyal lang sa kanto.
Paano iyon nakapasok eh sarado ang buong resort dahil inarkilahan ito ng nag-held nitong party?