Mahiwaga nga ang mundo, may mga bagay na hindi mo pa alam ngunit alam na ng ibang tao. May mga pangyayari na hindi inaasahan at hindi maiiwasan. Katulad ngayon. Yumuko si Dash sa kanyang sapatos ngunit hindi lang ang sa kanya ang nakita niya. May isang pares ng sapatos din ang nakahinto sa harap niya. Mabuti nalang at mabilis siyang tumigil bago pa siya mabanga sa taong iyon. Inangat niya ang ulo para sana humingi ng pasensya dahil klaro naman na may kasalanan din siya kung bakit muntik na silang magkabanga, ngunit imbis na mukha ng isang tao ang sasalubong sa kanya, nguso ng baril ang nakatutok na ngayon sa noo niya! "Pasensya ka na kung binigla kita dito," saad ng boses ng isang babaeng pamilyar talaga sa kanya. Pati ang tono nitong hindi akma sa sinasabi nito! Naramdaman niya ang ngu

