Masarap marinig ang isang taong nagpapasalamat sa iyo.
Kahit gaano pa kaliit ang ginawa mo, kapag naririnig mo ang salitang iyan galing sa kanila, mas gagaan ang pakiramdam mo.
Masarap sa pakiramdam ang makatulong. Iyong pakiramdam na may nagawa kang tama sa buhay mo kahit ang lahat ay nagkakagulo na.
Sa isang pagkakataon man lang sa buhay mo, kahit sobrang lungkot, nakaramdam ka ng saya sa pamamagitan ng pagtulong.
Tumango si Asta at muling tumalikod. Hindi niya alam kung ano ang dapat isagot sa pasasalamat nito. Kailangan ba niyang ngumiti? May kailangan ba siyang isagot?
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nagpasalamat sa kanya, ngunit ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng saya.
Pakiramdam niya ang laki ng ginawa niya para sa babae.
Ito pala ang pakiramdam ng maging masaya kahit sa maliit na bagay. Nakalimutan na ni Asta ang pakiramdam na iyon simula nang mawala ang lahat sa kanya.
Para siyang lumulutang, sobrang gaan ng kanyang mga hakbang. Pinipigilan niyang ngumiti, ngunit unti-unting ngumiti ng kusa ang kanyang bibig.
Hangang sa pagtulog ay iniisip niya pa rin kung ano bang nagawa niyang mabuti para maging masaya sa simpleng pasasalamat lang.
Nang magising naman siya kinabukasan ay wala na ang dalaga. Ni kahit isang bakas na nagpapatunay na may natulog sa guest room ay wala. Napakalinis ng kwartong tinulugan nito na tila hindi ito nagalaw kagabi.
Ang kama ay maayos na nakaligpit at mukhang hindi ito nagamit dahil kung ano ang posisyon ng mga unan kahapon ay ganoon pa rin ang posisyon nito ngayon.
Napapaisip nalang si Asta kung panaghinip lang ba ang nangyari kagabi. Kung hindi niya nakita ang sticky note na nakadikit sa pinto ng kwarta ay iisipin niya talagang binangungot siya.
'Thank you for letting me stay over. Don't worry, I'll pray for your soul. God bless.
-Patricia'
Napasimangot na lamang si Asta sa nabasa. Okay na sana ang thank you pero dinugtungan pa ng pagdadasal daw nito sa kaluluwa niya. Tingin ba nito patay na siya?
How he wish!
Hinanda na lamang niya ang sarili para sa panibagong araw. Magkikita sila ngayon ni Amir, ang kaibigan niyang lawyer. Ito kasi ang humahawak sa documents ng kanilang kompanya, nasa kamay nito ang last will ng parents niya.
Sa totoo lang ay mukhang planado na ang lahat. Hindi aakalain ni Asta na nag-iwan pala ang mga magulang ng last will bago mawala. Kung hindi nga lang aksidente ang nangyari sa mga ito, iisipin niyang planado ang lahat.
Kung kahapon ay si Amir mismo ang pumunta sa opisina niya, ngayon ay naisipan nitong sa isang coffee shop na lamang sila magkita. Ang dahilan nito ay para naman daw makalanghap sila ng bagong hangin, hindi iyong puro nakaka-stress na hangin nalang ang nalalanghap nila kapag nasa opisina.
Hindi na niya ito kinontra para wala ng mataas na usapan. Dumating siya sa Read and Sip Cafe, sa exterior design palang ng cafe ay pakiramdam mo welcome na welcome ka, paano pa kaya ang interior design nito na siyang nagpamangha ng husto kay Asta.
Maganda at relaxing ang lugar. May mahinang music na pinapatugtug na nagpadagdag sa relaxing ambiance.
Ang kulay ng walls ay katulad ng brown coffee. May white na kulay sa itaas ng pader. May mga painting din na aethestic ang dating na nakadikit sa wall. Ang books naman ay makikita mo kahit saan. May roong books na aakalain mong painting dahil sa pagkaka-arange nito, bookshelve din ang ginawang counter, every table ay tila bookshelves din dahil ang nagsusuporta sa mesa ay bookshelves.
All in all, this place is heaven for those book lovers.
Saan kaya nahanap ni Amir itong lugar na ito? Hindi naman sa mahilig siya sa libro ngunit namangha talaga siya sa dami ng bookshelf sa loob na punong puno ng iba't ibang klase ng libro. Idagdag mo pa ang aroma ng kape kaya mas nakaka-relaxing ang lugar.
May nakita siyang tatlong babaeng nag-uusap na nakapwesto malapit sa pinto. Mukhang may hinihintay ang mga ito dahil pasulyap sulyap sa pinto ang isa sa mga babaeng nakaharap sa gawi niya.
Hindi na lamang niya binigyang pansin ang mga ito at hinanap ang taong kikitain niya. Hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya kaagad itong kumakaway sa direksyon niya.
Binati niya kaagad ang kaibigan nang makaupo siya sa harap nito.
Amir and Asta we're friends since highschool. Hindi sila iyong tipo ng magkaibigan na halos oras-oras ay magkasama. They seldom see each other, hindi rin sila masyadong nag-uusap sa text, chat, or calls.
They're just friends. They have mutual understanding of how their friendship works. Sinusuportahan nila ang isa't isa kahit ilang taon silang hindi magkita. They understand each other despite their difference.
"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Concern na tanong nito habang inaayos ang mga papeles na dala.
"Yeah, a bit," sagot niya.
Napahinto ito sa ginagawa, tumitig ito sa kanya ng matagal na tila binabasa ang kanyang isipan. Napakunot na lamang siya ng noo.
"What?"
Nagaalinlangan itong tumingin sa kanya. "You look.. blooming."
Mas lalo lamang kumunot ang noo niya. "Don't f**k with me, Amir."
Hindi alam ni Asta kung bakit nito nasabing blooming daw siya tignan. Bigla siyang na-concious pero hindi siya nagpahalata, kahit gustong gusto na niyang tignan ang sarili sa salamin.
Mukhang ang kaibigan niya yata ang may kulang sa tulog. Kung ano-ano na ang nakikita eh.
"Seriously, dude. You're glowing."
Nae-eskandalong tinignan niya ito ng masama. Blooming and glowing is such a very girly words! At may gana pa itong gamitin ng kaibigan para idescribe sa kanya!
Asta is a grown-up man, he's a f*****g bachelor who's chased by many ladies. Tapos, blooming daw siya? Hindi pa nakuntento, he's also glowing daw!
Ah, puta. Ang bading pakinggan ng huling naisip niya.
"Tumigil ka na bago ko pa maisipang basagin iyang mukha mo," banta niya rito ngunit mukha namang walang epekto.
Nagawa pa nitong ipatong ang baba sa palad habang nakapatong ang siko nito sa mesa. Tila nag-iisip ito ng malalim na parang may sinosolbang mabigat na kaso.
Naiirita na si Asta. Kung totoo man ang sinasabi nitong 'blooming' raw siya, isang tao lang naman ang naisip niyang dahilan kung bakit siya nagkaganito.
Pero imposible! Napaka-imposible ng iniisip niya!
"Is it a wo—"
Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay tumayo na siya para umalis. Mabilis naman siya nitong napigilan habang nagpipigil na tumawa. Mas lalong tumalim ang tinatapon niyang tingin dito at napahinga na lamang ng malalim.
"Kahit kailan talaga," sinamaan niya ito ng tingin. Kung hindi lang importante ang ipinunta niya dito, kanina niya pa ito nilayasan.
Hindi na masyadong ide-detalye ni Asta ang pinag-usapan nila. Napagalaman niyang ang last will pala ng kanyang mga magulang ay para pala sa kanilang dalawa ng kapatid niya, ngunit wala na ang kapatid niya kaya siya lang mag-isa ang aalis ng bansa.
Gusto ng mga magulang niyang magbakasyon muna siya bago pamahalaan ang kompanya. Hindi alam ni Asta na naayos na pala ng mga magulang ang lahat bago nawala ang mga ito. May papalit muna sa kanyang mag-manage sa kumpanya, naka-deposit na sa kanyang bank account ang perang gagamitin niya.
Halos maduling si Asta nang makita ang mga numero nang naisipan niyang tignan ang bank account. Sigurado siyang ito ang ipon ng mga magulang niya bago mawala ang mga ito.
Ang nakalagay sa last will, hindi mapupunta sa kamay ni Asta ang kompanya kapag hindi siya nagbakasyon ng isang taon. Naisip niyang ang babaw naman ng last will ng mga magulang niya, kinakabahan pa nga siyang baka kung anong kababalaghan ang nilagay ng mga ito sa papel.
Ngunit ang sabi ni Amir, nakausap nito ang mga magulang niya bago maaksidente ang mga ito.
Ayaw nilang ipatong kaagad sa kanyang balikat ang mabigat na responsibilidad pagkatapos niyang mawalan ng mahal sa buhay. Deserve niya ng mas magaan na pakiramdam bago sumabak muli sa hamon ng mundo.
His parents love him and his sister so much, hindi kakayanin ng mga itong naghihirap sila.
Napakatagal ng isang taon, nagaalala siyang baka wala na siyang mahahawakang kompanya pag-uwi niya.
Ngunit sinigurado naman sa kanya ni Amir na mapagkakatiwalaan ang papalit sa kanya. Kahit nag-aatubili siya sa gusto ng mga magulang, nakapag isip-isip siyang para lang rin sa kanya ito.
Talaga naman oh, hindi talaga mapapantayan ang pagmamahal ng isang magulang sa anak nito kahit pumanaw na.