"Hindi pa rin siya umuuwi?" tanong sa kanya ni Emitt kaya napatingin siya rito. Nasa opisina na niya siya at hindi man lang niya namamalayan na nakapasok na pala si Emitt sa opisina niya. Kanina pa kasi siya tulala. Hindi niya sinagot ang tanong ni Emitt. Ayaw bumuka ng bibig niya kaya nagkunwari na lang siyang abala sa harapan ng kompyuter niya kahit na wala naman talaga siyang ginagawa. Katrina didn't want to talk to Emitt. "Dalawang araw na rin akong walang balita sa kanya," sabi nito at naupo sa sofa malapit lang sa lamesa niya. Napapikit na lang siya dahil sa sinabi nito. Totoong hindi na umuwi si Dak. Dalawang araw na niya itong hinihintay. Hindi rin kasi nito sinasagot ang tawag niya. Gusto niya itong makausap. Wala siyang gana sa nakalipas na mga araw dahil kay Dak. Ala

