Nagmamadali si Katrina na pumuntang palikuran sa bahay niya. Kasi naman hindi siya ginising ng alarm clock niya kasi ang himbing ng tulog niya. Alas dos na siya nakatulog kagabi at hindi naman niya inaasahan na hindi siya magigising ng maaga kaya ito siya ngayon tanghali na nagising. It will still be recorded on the machine when she timed in. Makikita ang oras kung anong oras siya nag time in at makikitang late siya kaya mababawasan ang sweldo niya. Natulog nalang sana siya ng maaga kagabi para hindi siya ngayon kinakabahan. Nakakainis talaga ang alarm clock niya. Tapos talaga inisip niya pa ang kabastusan ni Dak kagabi. Ang gagong ‘yon hindi man lang nahiya sa pinagsasabi kagabi kahit na pinagalitan pa ito ng Lola niya. Makakabawi rin talaga siya sa lalaking ‘yon. Nagmamadali si

