Nandito na sila sa Itsy Bar. Katulad ng inaasahan ni Katrina ay halos lahat ng nasa department nila ay nandito para magsaya. Katabi niya ngayon si Emitt na tahimik lang na umiinom. Pinapakalma niya ang sarili kasi baka mahalata ni Emitt na kinakabahan siya. "Hindi ba't may pasok pa tayo bukas?" tanong niya dahil nag-aalangan si Katrina bukas kung makakapasok ba siya o sila Emitt. Siguradong mapapasabak silang lahat sa inuman ngayong gabi. "Hmm-mm. Hindi ka naman iinom ng sobra, hindi ba?" biglang tanong nito sa kanya kaya nagmamadali naman siyang umiling. Kasama pa ang mga kamay niya na kumilos na hindi siya iinom. Parang bata... "Mabuti kung gano'n. Baka palayasin ka bigla ni Lola," sabi nito kaya natawa naman siya. "Baka nga palayasin niya ako," tumatawang sabi naman niya at tum

