Hindi alam ni Katrina kung kakatok siya sa kwarto ni Dak o kung meron na ito at nakauwi na. Umalis kasi ito nang nagkasagutan sila. Lalo’t sumabat pa si Brian. Alas nueve na ng gabi pero hindi siya makatulog at hindi niya alam ang gagawin. Iniisip niya ang sinabi niya kay Dak kanina. Hindi nga rin siya nakaramdam ng kagalakan kaninang kasama niya si Brian kasi iniisip niya ang naging reaksyon ni Dak dahil sa sinabi niya. Alam niyang napasaktan niya ang binata dahil sa sinabi niya. Napapikit siya bago nilakasan ang loob at kinatok niya ang naka-lock na pinto ni Dak. “D-Dak… gising ka pa ba?” tanong niya pero wala namang sumagot kaya mas nilakasan niya ang katok sa pinto nito. Napabuntong-hininga na lang siya dahil mukhang wa

