Masama ang loob ni Katrina habang nakatingin sa lalaking matagal na niyang pinapangarap. Sobra siyang nasasaktan dahil sa nasasaksihan sa kanyang harapan. Matagal na kasing may karelasyon si Emitt. Masama ang loob niya dahil sa babaeng nagustuhan nito na kaaway niya lang naman sa trabaho.
She couldn't understand why Emitt hadn't noticed her despite the fact that they had been working together for so long. She's been trying for a long time to capture Emitt's attention because she's been in love with him for a long time now. Emitt is everything she is looking for in a man.
A solemn, deep, attractive, well-educated man. They share a lot of similarities.
'Hindi naman maganda katulad ko. Ano naman kaya ang nagustuhan ni Emitt dito? Napaka-sama ng ugali! 'Di hamak na mas maganda at mas maipagmamalaki naman ako.' Gusto niyang matawa sa sinasabi ng utak niya.
“Bakla! Trabaho! Ano ba'ng ginagawa mo?! Kapag nakita ka na naman ng amo natin! Baka majombag ka na naman ng sermon," sabi ng katrabaho niya.
Napairap siya kila Emitt at tumingin sa katrabaho niya. Isa kasi siyang Finance Manager sa isang kumpanya patungkol sa mga mamahaling sasakyan.
Mailap din ang may-ari ng kumpanya. Hindi pa nila nakikita ang CEO na siyang may-ari ng kumpanya. Pero ang alam niya at bali-balita sa kumpanya na matanda na ito at naghahanap na ng tagapagmana.
“Manahimik ka bakla baka sa ‘yo ko maibuhos ‘tong galit ko,” inis na usal niya sa baklang kaibigan.
“Ang sungit mo naman! Baka gusto mong sabihin ko kay Fafa Daks na may lihim kang pagtingin sa kanya simula kolehiyo palang tayo,” pananakot sa kanya ng kaibigan.
Imbis na matakot siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Masamang tingin ang binigay niya dito at ngumisi na para siyang isang demonyong naninirahan sa mundo.
“Alam mo Eduardo hindi ako natatakot, sige sabihin mo sa kanya. Baka kasi handa ka nang mabasag ‘yang pagmumuka mo,” nakangisi niyang sabi sa kaibigan niyang si Eduardo Raul Tinabasbas Jr.
“Wala ka talagang kwentang kaibigan. Uulitin ko! Raula Mae ang pangalan ko. Tsaka hindi ka naman na mabiro. Syempre naman hindi ko sasabihin sa kanya,” takot na sabi nito sa kanya.
Napatang-tango naman siya at naupo na sa kanyang upuan. Katabi niya ng opisina si Emitt. Isang babasaging salamin lang ang naghihiwalay sa opisina nilang dalawa.
For a long time, she wanted to tell him how much she loved him, but she couldn't because she was afraid that Emitt would get away from her and she would be even more ignored.
Masyado niyang inalagaan ang pagmamahal niya sa binata. Kahit ilang beses nang sabihin sa kanya ni Eduardo na kailangan niyang kalimutan nalang ang binata at ibaling sa iba ang atensyon ngunit may pumipigil sa kanya at gusto niya itong mahalin habang kaya niya.
Kitang-kita niya ang mga babaeng dumadaan sa binata, simula noong kolehiyo palang sila hanggang ngayon. Ilang taon na ba siyang umaasa sa lalaki? Ilang taon na ba siyang pilit kinukuha ang atensyon ng lalaki? Ilang taon na ba siyang nagmamahal sa lalaking walang pakialam sa kanya? Limang taon? Anim? Oo nga ba ka nga pitong taon na.
Malapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo, naiwan na siya ng jeep ng pag-ibig o mas matatawag niyang jeep ng may mga jowa. Maganda naman siya at malakas ang karisma. Ilang lalaki na din ang nilampasan at binigyan niya ng mapait na ‘hindi’. Tanging si Emitt lang kasi ang hinihintay niya.
Bente syete na siya, pero hindi padin siya mapansin ni Emitt. Anong gagawin niya? Ayaw naman niyang tumanda ng dalaga.
“Katrina.” Napatingin agad siya sa lalaking tumawag sa kanya. Si Brian, ang matagal na niyang manliligaw.
Ngumiti naman siya sa binata para hindi nito mapansin na iniiwasan niya ito. Gwapo naman si Brian at habulin talaga ng mga babae dahil sa gwapong mukha at mabait na pag-uugali. Kaso hanggang hindi niya sinasarado ang pinto para makapasok si Emitt ay hindi siya pwedeng magbukas ng panibagong pinto para sa iba.
“May kailangan ka ba?” nakangiwi niyang tanong dito.
“It’s lunch time. You can continue that later. Let’s have lunch first,” he said softly to her.
Tanghalian na pala, hindi man lang niya namamalayan.
“Hmm hindi muna ako kakain ng tanghalian. Una na kayo ni Raula Mae.” Tinutukoy niya ang kaibigan na si Eduardo dahil nga ‘yon naman talaga ang sanay na itawag sa kaibigan dito sa kumpanya. “Sige na ayain mo nalang siya baka kulitin niya ako, hindi ko matatapos ‘tong ginagawa ko.”
Malungkot naman itong tumango sa kanya, ilang beses na kasi niyang tinanggihan ang binata dahil hindi naman niya gustong lumabas kasama ito dahil ayaw niyang paasahin.
Mas maganda na una palang ay ipakita niya dito na hindi siya intresado sa pagsinta nito sa kanya.
Nang medyo matagal nang nakaalis si Brian ay tsaka siya lumabas para hanapin si Emitt sa kabilang opisina.
Parehas kasi si Brian at Emitt na Car Engineer.
Nakita niya si Emitt na may pinagkakaabalahan basahin. Napangiti nalang siya dahil sa kasipagan sa trabaho ni Emitt.
“Aba! Ang sipag naman talaga ni Emitt!” natatawa niyang sabi para mapunta sa kanya ang atensyon ng binata.
Wala namang emosyong tumingin sa kanya si Emitt. Ang gwapo talaga nito. Bumagay ang itim na itim na mga mata nito sa makapal nitong mga kilay. Mahaba din ang mga pilik-mata nito na dinaig pa ang mga babae. Masyado ding bida-bida ang ilong nito sa sobrang tangos.
‘Paano ko hindi mamahalin ang lalaking tila perpekto na sa mga paningin ko?’ sabi niya sa isip niya kaya natawa nalang siya.
“May kailangan ka ba?” tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya at tinuro sa gilid nito na malapit sa kinalalagyan ng pinto ang isang orasan.
“Tanghalian na po, Engr. Ninonuevo. Hindi ka ba kakain?” tanong niya dito pero sa totoo ay gusto niya lang talagang magpapansin dito.
Umiling naman ito sa kanya at binalik na ang mga paningin sa binabasa nito.
“Hihintayin ko si Megan dito. May dala siyang tanghalian para sa amin. Salamat nalang sa pag-aaya. Sila Raula nalang ang ayain mo,” malamig na sabi nito sa kanya.
Nawala naman ang ngiti niya sa labi niya sa labi dahil sa sinabi nito sa kanya. Napatango-tango naman siya kahit hindi nito nakikita at mapait na tumalikod para umalis at pumunta sa opisina niya.
Hindi nalang siya kakain at magluluksa na naman ang puso niyang nasaktan. Kung talagang matagal na siyang masamang tao ay aagawin niya talaga si Emitt. Pero nirerespeto niya ang naging desisyon ng binata at ‘yon ay ang magmahal ng ibang babae.
“Siguro kasalanan ko din dahil hindi ko maamin-amin ang nararamdaman ko para sa kanya,” mahina niyang sabi.
Wala siyang lakas ng loob para umamin dahil sa takot niyang mawalan na naman ng minamahal. Ang ama niya kasi ay iniwan sila nang malaman na nagkaroon ng kabit ang kanyang ina. Pero ang mas masakit ay ang sabihin nitong hindi siya nito anak. Hanggang ngayon hindi niya padin matanggap na gano’n nalang siya tanggihan ng sarili niyang ama.
Iniwan pa siya ng ina niya at sumama sa ibang lalaki. Nag-iisa lang siyang anak kaya saan siya bumagsak? Sa lola niya, trese palang siya ay iniwan na siya ng mga magulang niya at hinayaan na maghirap.
“Bakla! Tara at kumain na tayo!” sigaw ni Eduardo sa kanya.
“Nasa’n si Brian?” tanong niya.
“Iniwan ko muna siya, Brian nalang tawag mo sa kanya at hindi Engineer ah,” nag-aasar na sabi nito.
Emitt and Brian are both works here as Car Engineers.
Tumayo siya at lumabas na para sumabay kumain kay Eduardo.
“Bakla, sino kaya sa mga anak ng amo natin ang magiging tagapagmana?” tanong ni Eduardo sa kanya. Nagkibit-balikat naman siya, ayaw niyang isipin ‘yon.
“Hindi ko alam at wala akong pakialam,” malamig na sabi niya. Masakit padin sa kanya ang pagtanggi ni Emitt sa kanya kani-kanila lang. Hindi kasi nila alam kung ilan ang anak ng may-ari ng kumpanya nila.
Nang makalabas sila sa opisina, naghanap sila ng tagong makakainan kasi baka makita sila ni Brian, iniiwasan pa naman niya ang binata.
“Alam mo ‘wag ka na kasing maghintay sa imposibleng mangyari! Kasi kung talagang gusto ka ni Fafa Emitt, kolehiyo palang tayo ay liligawan ka na niya! Bakla! Matagal na taong magkakilala! Hindi ka man lang niya napansin!” sigaw sa kanya ni Raula Mae.
“Alam mo ikaw! Kung ayaw mong lumayo ako sa ‘yo, umalis ka dito o kaya naman manahimik ka dahil masama ang loob ko ngayong umaga! Maawa ka sa sarili mo, baka kasi huling tulog mo na kagabi,” sigaw niya at naunang naglakad para iwan ito.
Pero tumatawa naman na lumapit sa kanya si Raula Mae.
"Alam mo bakla. Tulungan kitang makahanap ng Fafa madami akong kilala,” malambing na sabi nito sa kanya.
"Anong akala mo sa ‘kin? Batuhan mo ng mga pinagsawaan mo na?!" natatawang tanong niya dito.
Kahit papaano ay nakalimutan niya ang sama ng loob dahil sa pagtanggi sa kanya ng gusto niyang lalaki.
Kung meron naman siyang baklang kaibigan na magpapagaan sa pakiramdam niya sa araw-araw na paninira ni Emitt at Megan ay ayos na siya. Kaya niya pa naman niya magtiis ng isa pang taon na itago ang nararamdaman niya kay Emitt.