“Sigurado ka bang makakababa ka?” tanong ni Katrina kay Dak nang sabihin nito sa kanya na gusto nitong kumain kasabay nila. Baka kasi hindi pa nito kayang bumaba sa hagdanan ay mahirapan lang ito. “Kaya ko, magaling na ako,” matigas na ulo na sabi ni Dak kaya napabuntong hininga na lang siya at inalalayan na umupo si Dak kasi wala naman siyang magagawa kundi alalayan ito. “Ang tigas ng ulo mo,” sabi niya nang makaupo na si Dak sa kama nito. Kaso nakatitig lang sa kanya si Dak kaya nahiya naman siya bigla at namula rin ang mga pisngi niya. Alam niyang mukha na siyang kamatis sa harapan ni Dak. Ano ba kasing meron sa titig ni Dak at ano ba ang nasa mukha niya ba't kung makatitig ito sa kanya ay parang may kung ano sa mukha niya. “Hindi ka ba magtatanong tungkol sa panaginip ko o kaya na

