Hindi niya alam kung kakatok siya sa pinto ni Emitt. Gusto niya itong tanungin lalo't hindi naman siya sinasagot ni Dak. Hindi na siya aasa sa lalaking 'yon. Speaking of Dak... Bumigay na naman siya sa binata. Ang mapusok na halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Kung hindi lang kumatok sa pinto niya ang Lola niya baka kung saan sila napunta ni Dak. Nang nagising si Dak at sabay silang nag-umagahan ay tila baliwala ang nangyari sa kanila. Wala itong sinabi pero kung umasta naman ito ay parang walang nangyari. Ngumi-ngiti pa ito sa kanya at nakikipagbiruan pa. Siya rin... tila nawala ang hiyang nararamdaman niya. Hindi na niya kilala ang sarili. Pumapayag siyang halik-halikan ni Dak pero walang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung paano kakalma. Hindi na niya alam ang

