Chapter 02

1194 Words
Hermes Del Valle's POV "May problema na naman ba kayo ni Ellise? "Tanong ni Mike sa'kin. Uminom muna ako ng alak bago ko siya sinagot. "Hindi ko na maintindihan ang babaeng yun ehh, napi-pikon na ako sa kanya. "Inis na sabi ko sa kanya. "Pag tiyagaan mo na lang pare, sa panahon ngayon...mahirap nang humanap ng babaeng makakasama mo habang buhay. Matagal na rin naman kayo ni Ellise kaya hayaan mo na lang. "Sabi niya. Pinagsalin niya ulit ako ng alak sa baso ko at mabilis ko ulit na ininom yun. "Naguguluhan na talaga ako sa ugali niya pare. Parang ayoko na pero alam kong susumbatan na naman ako ni Dad, alam mo naman yun gustong-gusto na niyang magpakasal ako at nang magkaroon na siya ng apo. "Sabi ko. "Yun na nga ehhh. Si Tito din ang makakalaban mo pag hiniwalayan mo si Ellise."sabi pa niya. "Bahala na siya. Ilang araw muna akong magpapalamig at hindi magpaparamdam sa kanya. "Sabi ko. Tinapik naman niya ang balikat ko. "Sige pare, kung yan ang gusto mo talaga. "Sabi pa niya at nag cheers pa kami tsaka pinag patuloy na ulit ang pag-inom. I'm Hermes Del Valle, 27 years old. Isa akong condo and land dealer for almost 5 years. I am in a relationship with Ellise Montemayor. Almost 2 years na kaming nagsasama pero never akong naging masaya, si Dad lang naman kasi ang may gusto sa kanya para sa'kin at si Ellise lang din ang nanligaw sa'kin noon. Pinatulan ko na dahil oras-oras na lang akong kinukulit ni Dad, hindi ko nga inaasahan na mag ta-tatlong taon na rin kami sa December. . . "Mauna na ako sayo. "Sabi ko kay Mike. "Sige. Gabi na rin ehh. Pero sure ka na ba pre? Pupunta ka sa private island na binili ng Mama mo para sayo? "Tanong niya habang pareho kaming nag bubukas ng pinto ng mga sasakyan namin. "Oo pre, ayoko munang makita si Ellise tsaka wag mong sasabihin kung nasaan ako huh. "Paninigurado ko. "Oo ba. Sige, mag ingat ka huh. "Sabi niya. "Salamat. "Sabi ko. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto ng kotse ko at nag maneho na pabalik sa condo para kumuha ng mga gamit na dadalhin ko. Habang nagi-impake ako ay ring nang ring ang cellphone ko. Ellise Calling... Sa dami ng tawag at text na ginawa niya ay hindi ko man lang sinagot ang kahit alinman doon. Pagkamatay ng isang tawag niya ay mabilis ko na yung pinatay at nilagay sa loob ng drawer ko. Hindi ko kailangan ng cellphone sa pupuntahan ko. Mabilis ko nang kinuha ang bag na dadalhin ko tsaka bumaba na sa ground floor. Pinaandar ko na yung kotse papunta sa pier kung saan naghihintay doon ang nirentahan ko na bangka. Medyo matagal din ang biyahe papunta doon sa probinsya para makarating sa pier, kung hindi ako nagkakamali ay makakarating ako dun ng mga alas-sais ng umaga. . . EULY's POV Naalimpungatan ako dahil may narinig ako na parang nag-uusap. Napahawak pa ako sa may ulo ko dahil sumasakit pa rin yun hanggang ngayon. "Manong, pakikuha na lang po yung bag ko sa may compartment ng sasakyan. "Rinig kong boses ng isang lalaki. Kahit medyo masakit pa rin ang ulo ko ay bumangon na ako. Doon ko din napansin na maaga na pala at hindi ko alam kung bakit nasa loob ako ng sasakyan ko. Basta ang natatandaan ko lang...nag iinom kami kagabi, nalasing ako, nauna na akong umalis kina Patty at Olivia tsaka sumakay ako sa kotse ko. Medyo umuga pa yung kotse ko dahil sa pagkakasara nung compartment sa likod---- teka... Sino yung nag bukas ng kotse ko? Shit! Ninanakawan ata ako ahh!!!! Mabilis akong sumilip sa may bintana at may nakita akong isang lalaki na nakatalikod, napansin ko din yung dagat na tinitingnan niya kaya napa-kunot ako ng noo ko. Bakit may dagat? Asan na ba ako? Lalabas sana ako ng kotse kaya lang naka kandado yun kaya hindi ko mabuksan. Na carnap na ata akezz! Waaahhh. "HOY! BUKSAN MO TOH! "Sigaw ko habang pinag papalo ko yung bintana ng kotse ko. "HOOOOOOYYYY!!! NAKAKA IMBYERNA! HOY!!! "sigaw ko pa at lalong nilakasan ko ang pagpalo ng kamay ko sa may bintana. Napalingon naman siya sa pwesto ko at napa kunot ang noo nang makita niya ako. Oh s**t! Ang gwapo naman ng boylalet na toh! Waahhhh. Dahan dahan na siyang lumapit sa'kin at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse ko. Lumabas naman ako agad at kahit gwapo siya ay wala siyang ligtas sa'kin. "Sino ka?! "- ako. "Sino ka?! "- siya. Sabay na tanong namin sa isa't isa. Nagka-tinginan kaming dalawa na parang hindi makapaniwala. "Anong sino ako? Ikaw ang sino ka?! Bakit nasa loob ka ng kotse ko? "Kunot na kunot ang noo na tanong niya. I frowned. Anong sabi niya? Kotse niya? Nasisiraan ba siya ng ulo? "For your information, that car is mine! "Sabi ko at tinuro ko pa yung kotse ko. "What the f**k are you saying?!"galit na sigaw niya sa'kin. Bastos ang bunganga ng lalaki toh ahh. -_- "Eh akin nga ang kotse na toh. Nakakaloka ka naman. "Sabi ko with matching hawak pa sa noo ko. "Papatunayan ko na akin ang kotse na toh. "Sabi ko at mabilis kong hinila ang kamay niya papunta sa unahan ng kotse ko. Agad akong humarap sa kanya at tinuro yung sticker na nakalagay sa may front glass ng kotse ko. "Kita mo toh. E. F. S sticker. Ibig sabihin Euly. Franz. Saavedra. Hindi mo ba ako kilala? "Mataray na tanong ko. Kumunot na naman ang noo niya sa'kin. "Okay Mister--- I mean Mister or Miss, hindi ako bulag pero hindi ko alam kung anong itinuturo po sa salamin ng kotse ko."sabi niya. Huh? Mabilis ko naman binatuhan nang tingin yung itinuturo ko at doon ko napansin na salamin lang pala ang pino-point out ko dahil walang sticker dun. Pakshet!!! Wala ngang sticker!!! Nasaan ang sticker ng kotse ko? Mabilis kong tiningnan ang kabuuan ng kotse na toh at parehong pareho talaga ng kotse ko kaya hindi naman ako pwedeng magka mali. "Look, what ever your rant is... I don't care, I have to go. "Sabi niya at tumalikod na sa'kin. What? Iiwan niya ako dito ng ganon-ganon lang? Aissshhh! Mabilis ko siyang hinabol at pinigilan. "What place is this? "I asked. "Nasa probinsya ka ng Batangas. "Sagot niya. O__O "WHAT?! "hindi makapaniwalang tanong ko. Nasa Batangas na agad ako? Pakiramdam ko nga, wala pa akong ilang oras natutulog tapos nandito na agad ako? "And iiwan mo ko out of nowhere? "Inis na tanong ko. Inabot muna niya yung sapatos na hinubad niya dun sa isang matandang nakasakay sa bangka at sinuot ang tsinelas niya bago ako muling hinarap. "Sorry Mister---" "Call me Euly! "Pagputol ko na agad sa sasabihin niya. Kanina pa siya Mister ng mister ehhh. -___- "Okay Euly, its not my fault kung bakit nandito ka sa lugar na toh kaya labas na ako sa problema mo. "Sabi niya at tatalikod na sana para sumakay dun sa bangka pero pinigilan ko kaagad siya. "Hindi mo ako pwedeng iwan dito! Kung gusto mo, ipahiram mo na lang muna ang kotse mo sa'kin para makabalik na ako sa Manila. "I said. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD