OLIVIA's POV
"Paano nangyari yun? Eh katulad na katulad ng kotse na yan ang kotse ng kaibigan namin. "Sabi ko sa Manager ng club.
Nandito lang kami ngayon sa security office ng Chariot Club kung saan tinitingnan namin ang nakuhaan na footage ng CCTV. Nakita namin si Euly na sumakay sa isang kotse which is kaparehong-kapareho ng kotse niya. Pero sa likod siya sumakay at hindi sa mismong driver seat, at maya maya ay dumating naman yung lalaki at may kausap pa ito na isa pang lalaki hanggang sa tuluyan na niyang pinaandar yung sasakyan niya without even knowing na may ibang tao sa likod ng kotse niya.
"But its obvious Ms. Diego that your friend mistaken this car...is his car. Yun lang po ang pinakamalapit na explanation namin sa nangyari. "Sabi pa nung Manager.
"Sir, meron kayang ibang way para malaman namin kung sino ba ang lalaking ito? "Tanong ni Baks sa Manager sabay turo pa doon sa lalaki na naka flash sa screen ng monitor.
"Im sorry pero labag po sa batas ang gawin yun. "Sabi pa niya. Naihampas ko naman ang kamay ko sa lamesa nung Manager kaya medyo nagulat siya sa ginawa ko.
"Governor ang Dad ko at Mayor naman ang Kuya ko, baka gusto mong sabihin ko sa may-ari ng club na toh na ikaw ang magiging dahilan nang pag sasara nito. "Sabi ko.
Well tinatakot ko lang naman siya nasa kanya na yun kung maniniwala siya.
"Wa---'wag po Ma'am, gagawin ko na. "Sabi niya at nag madali siya sa pag-type ng keyboard. Nagkatinginan kami ni Patty at napa ngiti na lang kaming dalawa.
Makalipas ang ilang minuto...
"Hermes Del Valle po ang pangalan ng may-ari ng kotse, dito pa siya sa Adress na toh nakatira. "Sabi nung Manager at inabot niya sa'kin ang isang kapirasong papel, tinanggap ko naman yun.
"Thank you! By the way, pakitago muna ang kotse ng kaibigan namin dito, wala kasi samin ang susi non kaya hindi pa namin yun makukuha. "Sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay ang isasagot niya at mabilis na humarap kay Baks.
"Lets go. "Sabi ko at nauna nang lumabas sa kanya.
.
.
Pagkarating namin sa Hotel kung saan nakatira yung Hermes daw na tumangay sa kaibigan namin ay nag madali na kaming sumakay sa elevator at hinanap ang room nung lalaki.
"Room 302"
"Baks ito na yun. "Sabi ko sabay turo nu'ng pinto sa harapan ko. Tiningnan naman ni Patty yun at nagka tinginan pa kami.
Mabilis naman akong kumatok, ilang ulit din yun hanggang sa bumukas na yung pinto...kaya lang hindi ang inaasahan namin na lalaki ang nagbukas ng pinto kung hindi isang babae.
Pasimple pa kaming nagkatinginan ni Patty at mukhang nag tataka naman ang itsura niya dahil panigurado na hindi naman niya kami kilala.
"Anong kailangan niyo? "Tanong nung babae sa'min. I cleared my throat first before answering her.
"Dito ba nakatira si Hermes Del Valle? "Tanong ko.
She frowned at us.
Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
"Oo! Bakit? Isa ka ba sa mga babae niya? "Mataray na tanong niya sa'kin at pinagtaasan pa ako ng kilay.
I just smirk at her.
Sasagot pa lang sana ako pero nagsalita naman si Baks.
"Hindi. Nandito kami para sunduin ang kaibigan namin na kinuha niya. "Mataray na sagot din ni Baks.
"Sinong kaibigan? Babae niya ba yun?"inis na tanong niya sa'min.
Aba!
Sumu-sobra na ang babaeng toh ah. -__-
"Bakla ang tinutukoy ko! BAKLA! "sigaw ni Baks at medyo lumapit siya dun sa babae kaya naman mabilis ko siyang hinigit, ayaw kong magkaroon nang g**o sa pagitan namin ngayon dahil may mas mahalaga pa kaming gagawin...kailangan namin mahanap si Euly as soon as possible.
Nag smirk naman siya sa'min.
"Sa tingin niyo ba sasama ang BOYFRIEND KO sa BAKLANG KAIBIGAN niyo?! "Sabi niya.
Hinarap ko naman siya.
"Huli ka na sa balita Sis, OO... SUMAMA ANG BOYFRIEND MO SA KAIBIGAN NAMIN. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na kung nasaan ang boyfriend mo! "Pananakot ko sa kanya. Napa tahimik siya sa sinabi ko.
"Hindi ko alam kung nasaan si Hermes."sagot niya. Nagkatinginan ulit kami ni Baks pero ibinalik ko ulit ang paningin ko sa kanya.
"Nagsasabi ka ba nang totoo? "Tanong ko para mas makasigurado kami.
"Oo, tinatawagan ko siya kagabi pero hindi niya sinasagot, gabi na yun kaya naisipan ko na ngayong umaga na lang siya puntahan.
Pero pagdating ko dito, wala na siya. Nawala ang ilang mga gamit at damit niya sa cabinet at parang sinadya niya na hindi dalhin ang phone niya..kaya hindi ko siya ma-contact."sagot niya.
Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
"May alam ka ba na ibang lugar na pwede niyang puntahan? "Tanong ko.
"Wala. Pero may kaibigan siya, si Mike. "Sabi niya at inilabas siyang wallet at inabot sa'min ang isang calling card at tinanggap ko naman yun.
"Yan ang contact number niya, kanina ko pa din siya tinatawagan pero hindi niya din sinasagot. "Sabi pa niya.
"Thank you for this. "Sabi ko.
Tiningnan ko si Baks at sinenyasan siya nang 'let's go'.
Aalis na sana kami pero pinigilan ulit kami nung babae.
"Please, if mahanap niyo si Hermes...pakisabi na umuwi na siya. "Sabi niya.
Kahit napipilitan ay nag nod na lang ako sa kanya at tuluyan na kaming umalis. Hindi ko kasi gusto ang attitude niya pero I don't care ...mukhang kayang-kaya ko naman siya ehhh.
Mabilis na kaming sumakay ulit sa kotse ko at inabot kay Baks yung calling card.
"Tawagan mo."Sabi ko sa kanya dahil ako ang nag mamaneho. Pinaandar ko na yung sasakyan.
"By the way, I hate that girl."komento ni Baks habang nag ta-type sa cellphone niya, napatawa na lang ako dahil dun.
"Same. First impression's last.
Tsaka Hello, boyfriend niya yung nawawala pero hindi man lang siya sumama sa atin sa paghahanap... Well, kung sabagay ayaw ko din naman siyang makasama. "I said.
Napatawa na lang kami pareho.
Ni-loud speaker ni Baks yung phone niya nang mag-ring na yun. Ilang ring pa yun bago niya sinagot.
[Hello who's this?]
"Yieeh. Ang gwapo ng boses. "Bulong ni Baks nang ilayo niya yung phone para hindi marinig ang komento niya sa kabilang linya.
Kahit kailan talaga ang bakla ng baklang ito. -_-
"Akin na nga. "Sinabi ko sa kanya at inagaw yung phone.
"Hello. "
[Ahm. Who's this?]
"Gusto kong malaman kung nasaan ang kaibigan mo na si Hermes Del Valle. "Diretsong sagot ko.
[Teka sino ka ba? ]
"Makipag tulungan ka na sa'min at sabihin mo kung nasaan ang kaibigan mo or else kakasuhan ko siya nang k********g!!! "sigaw ko.
[What the---anong k********g ang sinasabi mo?!] sigaw niya pabalik at halata kong nagulat din siya.
"Sabihin mo kung nasaan ka at pupuntahan ka namin ngayon. "Sabi ko pa.
.
.