Matapos banggitin ni Xavier isa-isa ang bagong sampung utos bilang buhay na Diyos na huwad ay nagpakalat siya ng online copy noon sa internet. Nagpa-imprenta rin siya ng kopya at ipinadala sa mga book stores at magazine stands na para bang may interesadong bumili at kumuha noon sa panahon ng pandemya. Narito ang sampung utos ni Panginoong X, ang buhay na Diyos ngunit huwad. Unang utos, kalimutan mo na ang iyong kinikilalang Diyos. Tanging ang Panginoong X ang iyong tunay at buhay na Diyos. Siya ang magliligtas sa iyo. Pangalawang utos, wag kang gagawa ng mga bagay na para sayo lamang. Laging ibahagi iyon sa iyong Panginoong X. Wag maging makasarili. Wag ipagwalang-bahala ang iyong kaligtasan. Ikatlong utos, wag na wag mong babanggitin sa masama ang iyong Panginoong X. Hindi mo siya dap

