Dahil obvious na rin naman ang sagot ay hindi na nagsalita pa si Vienna. Medyo hinihingal siya dahil sa paglabas ng kan’yang kapangyarihan. Hindi pa sana niya iyon aaminin ngunit habang tumatagal ang panahon ay lalong magiging delikado ang mga estudyante. Hindi niya alam kung hanggang kailan hindi malalaman ng itim na reyna ang kan’yang ginawa. Hindi rin gano’n kadaling gumawa ng clone ng isang tao. Kahit ang kaluluwang akala ng itim na reyna na totoo ay maaari na ring maglaho. “Paano ka napunta dito? Ang tagal kang hinanap ng kakambal mo,” usisa ni Ruthyst Pythor. Sobrang init ng kan’yang pakiramdam ngunit hindi na lamang niya iniinda. That is the consequences of eating a lost soul. Para siyang lalagnatin at mabigat ang kan’yang dibdib. “Si Parsua ang nagdala sa akin dito nang mamat

