Isang tahimik na yabag ang nakakuha sa atensiyon ni Vienna. It was too far but she can hear even the breath. Masyadong tahimik na tila hindi naman sinadya ngunit nasanay nang ganoon ang paglalakad. Lalo pang nangunot ang noo niya nang hindi mawala sa pandinig ang mga yabag. “Vienna, ayos ka lang ba?” Medyo kinabahang tanong ni Ruthyst. Tulala lang kasi sa kung saan ang babae at hindi na naalis ang kamay nang sumenyas ng tahimik. “May problema ba?” Muling dagdag niya dahil hindi man lang natinag si Vienna. “Tahimik muna, Ruthyst,” sa wakas ay salita muli ni Vienna. Bahagyang gumagalaw ang tainga ni Vienna. Wala sa paaralan ang naririnig niya. Isang bagay na pinagtatakhan niya. Hindi naman umaabot hanggang labas ng Visler International School ang kan’yang pandinig kahit gaano pa ito ka

