Ang kuwartong tinutuluyan ni Zeuter ay tumahimik nang ilang sandali. Hindi na nakatugon pa si Zeuter nang walang maisip na masabi. Pinokos na lang niya ang kan’yang atensiyon sa bawat paghinga niya. Kung bakit niya iyon ginagawa ay wala siyang ideya. “Are you aware that you can’t go back to the world where your parents are?” Kleries was a bit bored so she asked a question. Kung ano man ang naging desisyon ng lalaki ay wala na siyang magagawa. The tunnel might be closed now, but she hoped that someday it would be open. “Yeah,” Zeuter answered. Hindi niya masisi ang kan’yang sarili. Kung hindi siya nagpunta sa Infelicis ay buong buhay siyang makakaramdam ng konsensiya. Siguro kung walang dumating na Top Five sa mundo ng mga tao ay hindi niya maiisip na mapapadpad siya sa mundo ng mahika

