Chapter Five

1129 Words
Pabagsak kong inilagay ang gamit ko sa drawing table ko. Kanina ko pa tinatapos ang perspective ng three storey residencial building ko pero nakakailang palit na ako ng velum ay hindi ko parin natatapos. Parang may kulang. Parang may mali. Dapat nga mas nadadalian na ako sa building design na ito dahil graduate na ako ng engineering pero dahil bwisit na bwisit ako ay hindi ko magawa-gawa maayos. Napapraning na rin ako minsan. Pakiramdam ko ay anumang oras, malalaman at malalaman na nila Daddy ang kagagahan ko. I hate him. I really do. Hindi na niya ako iniiwanan sa school, palagi nalang siyang nakasunod sa akin na parang buntot ko na siya. Minsan nga nagugulat nalang ako kay nagsasalita na sa likod ko. Nagtataka na silang lahat kung bakit ako sinusundan ng lalaking ito. He is more than a stalker! "Baby, what's wrong?" tanong ni Kuya ng mapansin ang pagkainis ko. Nakalimutan kong narito pala siya sa bahay ngayon. "Kuya, I'm fine. Medyo distracted lang." sagot ko at pilit na nginitian siya. "Sana ay hindi na lalaki ang nag-didistract sayo, Kiella." napalunok ako doon. Siryoso kasing nakatingin sa akin si Kuya na parang sinusuri ang lahat ng galaw ko. Alam niya ba? "K-kuya naman. Sino naman ang magkakamali sa akin?" I faked a laugh pero parang hindi iyon tumabla kay Kuya dahil tinignan niya ako na para akong nagsisinungaling sa kaniya. Minsan talaga si Kuya Uno ay parang si Daddy. The way he looks at me, parang nanlalamig na ako sa kaba. Ilang minuto niya pa akong tinitigan hanggang sa bumuntong hininga na lamang siya. "Ayaw kong masaktan ka ulit. You are our princess and you deserve every good thing in the world." then he kissed my forehead as he walked away. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sa mga salitang lumabas kay Kuya parang may alam siya pero siyempre ayokong tanungin kasi paano kung wala eh 'di patay ako. Bumuntong hininga ako at dumukdok sa lamesa ko. Feeling ko mas lalo akong hindi makakapagdrawing dahil dumagdag sa alalahanin ko si Kuya. Tumayo nalang ako doon. Nagpalit ng damit at napagdesisyonan kong lumabas. I need to breathe. I need to think kung paano ako makakalabas sa ganitong sitwasyon. Sakay ng sasakyan ko ay tinahak ko na ang daan papuntang mall. Agad naman akong nakarating dahil walang traffic at hindi naman iyon kalayuan. Pumunta ako kaagad sa stall ng vans. Nakita ko kagabi na naglabas sila ng bagong designs. Pili lang ako ng pili ng kung ano anong magustuhan ko. Hanggang sa magsawa ako at pumila sa counter. Habang nakapila ay lumingon pa ako sa paligid dahil baka may magustuhan pa ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na pigura ng taong papasok sa stall na iyon. Hanggang dito ba naman? Pati ba naman pag linggo makikita ko parin ang nakakaasar niyang mukha. Wala na ba talagang paraan para hindi ko muna siya makita araw araw. I looked away and tried to hide my face. ''Miss!'' tawag ng cashier sa atensiyon ko. Ako na pala ang susunod pero nakatunganga lang ako. Tsk, iyan ang nagagawa ni Dustine sa akin! Nagmumukha akong tanga! ''Ma'am 19,858 po!'' ibibigay ko palang sana ang card ko pero may nauna na sa akin. Tinignan ko kung sino iyon at sa tingin ko hindi na naman matatahimik ang mundo ko. I insisted to use my card pero iyong saleslady, iyong sa kaniya ang kinuha. "Ate ito po iyong card ko, oh?" asar kong sambit na halos iwagayway ko pa ang card. "Ha? Na-swipe ko na po!" kulang nalang ay umirap ako sa kaniya. Pagkabigay na pagkabigay sa akin ng bagger ang pinamili ko ay agad na akong umalis. Alam kong hindi siya agad makakasunod dahil mukhang binabagalan ng cashier ang mga galaw niya. He has that effect on women. Pati sa school ay ganiyan halos lahat sa kaniya. Siguro dahil na rin sa mukha niya at sa family background niya. Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo na ng tuluyan sa kaniya. ''Saan ka sa tingin mo pupunta?'' halos mapamura ako ng hilain niya ako sa may bewang ko. Agad ko naman iyong tinanggal at tinignan siya ng masama. ''Ano ba?! Pati ba naman weekend kailangan makita pa kita?'' inis kong bulong sa kaniya. Sobrang daming tao at ayaw kong gumawa ng eksena. Tumaas ang kilay niya sa akin. ''Bakit ba ang hilig mo akong takbuhan?'' malumanay niyang tanong. ''Bakit din ba kasi ang hilig mong mag-habol? Mas masahol ka pa sa stalker!'' balik tanong ko sa kaniya. ''Kasi nga tumatakbo ka sa akin kaya kita hinahabol. Hindi naman pwedeng habulin kita kung di ka naman tumatakbo.'' sarkastiko niyang sagot. ''Buntot ka kasi ng bunto. Ano ba kasing kailangan mo? Hindi ba pwedeng kalimutan mo nalang ang nangyari sa atin. Marami ka naman sigurong babaeng pwedeng ipalit sa akin 'di ba?'' sabi ko sa kaniya at pilit inaalis ang kamay niya na humahawak sa bewang ko pero bumabalik lang iyon at mas lalong humihigpit. ''It's your fault. I can still feel your soft body on me, baby. How can I forget your lips? The way-'' Sinamaan ko siya ng tingin ng magawa niya pang ibulong sa akin iyon. Halos magsitayuan ang balahibo ko. "Your scent. Yes... How can I forget-" "Stop!" halos tumingkayad na ako para matakpan ang bibig niya. Habang tumatagal ay lumalakas iyon kaya halos pagtinginan kami ng mga taong nakapaligid sa amin. The way they looked at us, alam kong alam nila kung ano ang sinasabi ni Dustine at sobrang nakakahiya! I am so furious na nahila ko siya papuntang parking lot. "Mukha kasing nakalimutan mo. I was just trying to remind you of what happened that night, baby. In my room... in my bed-" "Can you shut your mouth? Are you crazy? Gusto mo talagang i-announce na may nangyari sa atin? Is that a trophy to you? Thus makes you so f*cking happy?" sambit ko noong makitang wala ng tao. Sobrang tangkad niya na halos tingalain ko siya. Binaba ko ang mga dala ko at dinuro ang dibdib niya. I don't know where I get the strength but this is making me crazy. Madilim ang mga mata niya habang taimtim na nakatingin sa akin. "Ilang beses ba kitang tatanungin kung anong kailangan mo para matapos na tayo dito kasi hindi ko maintindihan kung bakit mo ako tinotorture ng ganito? We had s*x and that's it! Can't you just forget about it?" inis na sambit ko. A devilish smirk formed his lips. Para akong nakaramdam ng takot. "You. I already told you, ikaw ang gusto ko. I don't mind if I look like a creep. You asked for this. Ikaw ang lumapit sa akin at nag-alay ng sarili mo. This is the consequence of your actions, Kiella Fifth Dela Marcel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD