The whole week went well.
Medyo mas nahirapan lang ako dahil pilit ko mang kalimutan ay napapaisip pa rin ako kung paano kung nakilala niya ako. Hindi maiiwasang magkadikit ang mga landas namin dahil maliban sa parehas kami na nag-aaral sa eskwelahang ito ay magkaparehas pa kami ng course at ng schedule.
"Grabe hindi parin talaga mag-sink in sa utak ko na kaklase ko na si Dustine! Sobrang gwapo niya talaga at alam mo ba chance na natin ito para makalapit sa kaniya" sabi ng babaeng nasa tabi ko lang.
"Oo nga pero girl walang magagalit kung sino man sa atin ang mapansin niya, huh?" I rolled my eyes.
Sobrang damning babae nga ang nagkakandarapa sa kaniya. Noong sang arawn lang ay may hinatid pa siya sa kabilang room. Marami din ang usap-usapan na naka-date siya.
"Class dismissed. See you again on Monday!" sabi ni Arch't Antonio.
Agad kong inayos ang mga nagkalat kong gamit. Ganun din naman ang ginawa ng mga kaklase ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa locker para iwan ang T Square, Triangles, Technical pens at kung ano ano pang ginagamit ko pagkatapos ay nagpunta ng library dahil doon namin napagusapang magkita ni Gail ngayong araw.
Magkaiba kasi kami ng schedule ng huling subject na iyon kaya naman hinintay na niya ako at kailangan pa naming mag-library dahil kailangan naming humiram ng guide thesis para sa english.
Pagkapasok ko palang ng library ay kitang kita ko na siya dahil imbes na nagbabasa ang bakla katulad ng ginagawa ng ibang istudyante ay hayun kinakawayan ako. Lahat ng tao sa library ay siryosong nakatutok sa kani-kanilang ginagawa, halatang halata siya. Iiling iling nalang akong pumunta sa direksiyon niya. Binatukan ko siya ago umupo sa tabi niya.
"Sister ha! Nakakailan ka na simula pa kaninang umaga!" pagalit na sabi niya at dahil napataas ang boses niya ay na-warningan tuloy siya ng masungit na librarian.
Napansin ko lang na halos lahat ng librarian ay masungit?
"Aabangan ko nga iyan mamaya sa labas! Akala ng matandang menopause na iyan!" bubulong bulong niya at wala akong nagawa kundi tumawa ng tahimik.
Hanggang sa magsiryoso na nga kami sa paghahanap at pagbabasa. Hindi namin napansin ang oras dahil sa pag-babasa.
"Nakaka-stress talaga!" sabi pa ni Gail pero bago kami tuluyang lumabas ng library nakita ko ulit si Dustine na nakaupo sa malapit sa exit habang nakapatong ang phone sa table na umiilaw kaya hindi ko mapigilang hindi tignan pero mas nagulat ako sa nakita ko.
Ang babaeng wallpaper ng phone niya! Hindi ako pwedeng magkamali! Ako iyon!
Kitang kita ang tattoo ko sa balikat. Hindi ako pwedeng magkamali dahil personalize ang tattoo kong iyon! Ako mismo ang nagdesign noon!
"Ano bang tinitignan mo, huh!" sabi ni Gail.
Nilingon niya ang tinitignan ko.
"Naku nagtataka na talaga ako sa'yo! Ikaw ata ang may gusto-"
Tinakpan ko ang bibig niya at itinuro ko ang phone ni Dustine. Tumaas ang kilay niya.
Sino ba namang hindi, di'ba? Akala ko pa naman maihuhukay ko na iyon sa limot pero bakit ako ang wallpaper niya? Gawain pa ba ng lalaki na gawing profile ang mukha ng babaeng nakaniig nila?
Napalingon sa amin si Dustine kaya naman kung ano ano na ang ginawa namin para lang hindi niya mapansin na siya ang tinitignan namin or should I say na hindi niya mapansing nakatingin kami sa phone niya.
We prepared our things and started to leave pero kung minamalas ka nga naman! Nabangga pa ako at sobrang lakas ng impact dahilan para mapaupo ako sa sahig at matanggal ang salamin ko sa mukha.
Nagkalat din ang buhok ko sa harap kaya hinawi ko iyon pataas. Hindi naman ganoon kalala ang labo ng mata ko, sadyang gusto ko lang isuot iyon para itago ang mukha ko.
"My G! Bulag ka ba kuya at di mo makita ang bestfriend ko?" sabi ni Gail sa bumangga sa akin at tinulungan ako makatayo.
"Sorry po nagmamadali lang kasi" dahilan nito.
"It's your last warning! You two... Get out!" ani ng librarian sa amin.
Gusto ko na din naan talagang umalis per hindi ko mahanap kung saan napunta ang salamin ko. Tumingin ako sa paligid ko at muli akong nanlamig noong makita ko na hawak iyon ni Dustine.
Kumalabog na naman ang dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Alam kong alam na niyang ako ang babaeng iyon. Naglakad siya papalapit sa akin at siyempre napaatras naman ako. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko. Gail held my hand and tried to get me out of here pero para akong naestatwa.
"Ikaw ang babaeng iyon? Hindi ako pwedeng magkamali!" may diin ang mga salitang binibitawan niya. "That is why you looked so f*cking familiar!"
Hahawakan na sana niya ako ng bigla akong hilain ni Gail patakbo. "Sis! Ano bang ginagawa mo!" sabi pa nito habang tumatakbo kami. Napalingon ako sa likod at nakita kong nakasunod sa amin sa Dustine.
"Hey! Miss!" sigaw nito habang hinahabol kami pero hindi ko na iyon pinansin at ng may humarang na kumpulan ng tao sa harapan namin hindi na ako nagdalawang isip na makisingit dahil sa bilis tumakbo ni Dustine panigurado maaabutan niya kami.
"Excuse me!" iyon ang paulit ulit naming sinasabi.
"Ano ba iyan! Ang luwang luwang ng daan dito pa kayo naglandian" sabi ng isang babae sa amin at aawayin pa sana siya ni Gail kaso nakita kong malapit na talaga sa amin si Dustine kaya muli ko siyang hinila at tinungo ang papunta sa parking lot.
"Makikipag-away ka pa talaga?" taas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Halos habol habol na namin ang hininga namin pero nagawa niya pang umirap sa akin. Alam ko naman na hinihintay na ako ng mga Kuya ko sa parking lot kaya madali kaming nakatakas.
"Ano bang nangyari sa inyo Gallardo?" tanong ni Kuya kay Gail noong makasakay kami.
Inirapan lang ni Gail si Kuya. Gallardo nga ang una nitong pangalan na ayaw na ayaw niyang naririnig.
"Ano pang kwentang nag-bakla ako kung tatawagin mo akong ganiyan, Uno!" pairap na sagot ni Gail kay Kuya
"Ano nga sabing nangyayari sa inyo? May humahabol ba sa inyo!" sabi ni Kuya na medyo tumataas na ang boses.
Hindi ko naman magawang mag-salita dahil hinahabol ko pa ang paghinga ko.
"Bahala ka! Basta ako shut up ako kasi binwisit mo ako" sabi ni Gail.
"Kiella!" sabi ni kuya na nagtatanong.
"Wala! Tara na Kuya nagugutom ako." sambit ko ng makita ko si Dustine na papasok na ng parking lot habang tumitingin tinging sa paligid.
Ayaw pa ni Kuya na iandar ang sasakyan. Sumilip siya na mas lalo kong ikinakaba dahil lalo akong malalagot kung malalaman niya.
"Kuya, please! I'm hungry!" lumingon siya sa akin at tinignan ako ng masama ngunit pinaandar din ang sasakyan.
T'saka lamang akong nakahinga ng maluwag noong nakalayo na kami ngunit paano bukas?
How can I deal with him?
Paano ko maiiwasan ang kagagahang ito?