"Kanina pa po umalis si Nyora Cion at Nyora Martha. Hindi naman po nagtagal nung umalis kayo, Sir. May mga ibinilin lang sa akin, tapos nagpahatid na sa isa nating van na ginagamit sa catering," paliwanag ng tauhan nila sa restaurant nang makabalik na kami ni Dos, at hinanap ang mga lola namin. Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Dos. Mukhang iisa lang ang tumatakbo sa isipan namin. Naputol lang ang tinginan namin nang magsalita uli ang tauhan nila. "Ipinapasabi po nila, Sir... na okay lang daw po kung may pupuntahan pa kayo ni Mam Jazz bago kayo umuwi." Bumuntonghininga si Dos, at saka tumango. "Sige. Aalis na kami. Bahala na muna kayo dito." "Ay, opo. Kami na po muna dito, Sir. Enjoy po kayo ni Mam Jazz!" Binalingan ako ni Dos. "Tara na? Iniwan na pala tayo ng mga lola natin