Sa parteng ito ng kuwento ay lumungkot na ang boses ni lola. Iyong hinala ko ay unti-unti nang nagkakaroon ng konlusyon. Ang t***k ng puso ko ay tila sa nag-uunahang mga kabayo. Para pa ngang may mga nagbabantang luha sa mga mata ni Lola. “Ang unang naramdaman ni Agustin noon ay selos. Kaya agad niyang sinugod ang dalawa…” “Pero, lola… hindi po ba at close naman silang tatlo? Bakit po agad na nag-isip ng masama si Papa sa kanilang dalawa? Wala po ba siyang tiwala kina Mama at Tito Jazael?” kinakabahan kong tanong. “Lingid sa kaalaman ko, marami na palang naririnig na bulung-bulungan si Agustin sa mga trabahador sa asyenda. Napagkikita daw lagi si Jazael at Irene na nagkikita sa talampas na silang dalawa lang. Minsan naman, patago silang umaalis dito sa asyenda. Oo. Naaalala ko, minsan