CHAPTER 5 - DELUBYO

2036 Words
“Mam, isina-suggest po ng management ng resort na kung makakaalis na po kayo ngayong araw. Base po kasi sa balita, signal number four iyung parating na bagyo, at inaalala lang po namin ang kaligtasan ninyo.” “Kuya, gustuhin man naming umalis na, pero iyun kasing isang kasama namin hindi pa nakakabalik. Ayaw din naman namin siyang iwan,” si Vanilla ang sumagot sa senior staff ng resort na tinuluyan namin. “Sige po, mga mam. Sasabihin ko na lang po sa may-ari ng resort. Pasensiya na po.” Bahagya pang yumuko iyong staff bago umalis sa tapat ng pintuan ng kuwartong inookupa namin. “Nasaan na ba kasi ang Ricky na ‘yan? Kung hindi lang nakaka-konsiyensiya, iwanan na natin iyung hitad na ‘yun, eh!” Inis na inihilamos ni Yanna ang palad niya sa mukha niya. “Ano ba kasing paalam niya? Saan siya pupunta?” Mahinahong tanong na sagot ko kay Yanna. Alam kong inis na siya kay Ricky, kaya ayaw ko na ring gatungan. Supposed to be, mamayang gabi na ang alis namin pauwi. Pero sinabihan na nga kami ng mga taga resort nang ganito kaaga na kailangan na naming maka-alis bago pa man mag-landing ang malakas na bagyo. “Girl, hindi dito natulog ang bruha kagabi,” sagot ni Sapphire na abala sa pag-eempake ng mga gamit niya. “What??” “Um! Wala kang alam, kasi busy ka sa pakikipagharutan sa sweetheart mo,” sabat naman ni Vanilla, na binigyang diin pa iyong salitang sweetheart. Natawa naman ako. “Kayo naman, pagbigyan n’yo na kami. Hindi na nga nakasama iyung tao dito. Inggit ka ba? Gusto mo i-message ko si Ice na tawagan ka rin?” “Yuck, Jazz! Don’t you dare! Tumigil ka nga!” Hindi ko napigilang matawa sa reaksiyon ni Vanilla. Pati si Yanna at Sapphire ay nakitawa rin. ”Kunwari ka pang diring-diri, eh hinalikan mo nga ‘yung tao…” pagbibiro ko kay Vanilla. “It was an accident, Jazz! You know that. Andun ka. Kayong tatlo,” pagtatanggol ni Vanilla sa sarili niya. "Parang hindi ganun ang nakita ko, Van.” Lumipad ang tingin ni Vanilla kay Sapphire, at saka ito sinamaan ng tingin. “Sige, pagka-isahan n’yo ko,” pagbabanta ni Vanilla sa amin, pero kay Sapphire lang nakatingin. Muli kaming nagtawanan sa nakikita naming pagka-pikon ni Vanilla. Nang bigla kaming natigil sa tawanan dahil sa biglaang pag-ulan nang malakas, kasabay ang paghampas ng malakas na hangin sa bintana ng kuwarto namin. “Sige, magsaya kayo. Stranded na tayo dito sa resort, oh.” Kita ko sa mukha ni Vanilla ang pag-aalala. “May choice ba tayo? Wala naman. Dala-dala ni bakla ‘yung van,” sagot ni Yanna. “Wala pa rin ba siyang text sa isa sa inyo?” tanong ko, sabay dampot sa phone ko para tingnan kung may text o missed call si Ricky. “Wala!” sabay-sabay na sagot nung tatlo. “Naku! Pagbalik dito ni Ricky, babalatan ko siya ng buhay,” dugtong pa ni Sapphire. “Nail cutter ang gamitin mo, Fire para mas intense,” sabi naman ni Yanna. “Tama ka dun, Yans,” sang-ayon naman ni Vanilla sa kanya. "Wait. Nagagalit tayo kay Ricky, eh hindi nga natin alam kung nasaan o ano na bang nangyari doon sa tao,” awat ko sa namumuong inis nila kay Ricky. Nakita kong umirap nang matalim sa akin si Yanna. “Wala ka talagang alam, kasi may sarili kang mundo kagabi. Umalis po kagabi ang kaibigan natin, kasama ‘yung mga nakikilala niyang mga lalaki kahapon sa beachfront,” si Sapphire ang sumagot sa akin. Napakunot ang noo ko, habang inaalala kung sino ba ang mga lalaking sinasabi nila na nakilala namin kahapon. Palibhasa, hindi na kasi ako interesado na makipagkilala pa sa kung sino mang lalaki. Takot ba ako kay Pablo? Hindi naman. Ang sa akin lang naman, wala naman na akong panahon sa ibang lalaki, dahil satisfied na ako kay Pablo. At kay Pablo na lang iikot ang mundo ko. “Wait. Sino ba? ‘Yung mga lalaking may pa-display ng abs kahapon sa beachfront?” “Exactly!” "Yes…” “’Yun nga!” “Naku! Hindi kaya na-gang r**e na ‘yung kaibigan natin?” sagot ko sa kanilang tatlo. “Ha? If ever siguro, advantage pa sa kanya ‘yun!” Napailing na lang ako sa sinabi ni Sapphire. May sasabihin pa sana si Yanna nang biglang may nag-doorbell sa pintuan ng kuwarto namin. Tumayo si Vanilla, at saka naglakad papunta sa pintuan. Sumilip muna ito sa peephole. Hinawakan na niya ang door handle, pero bago buksan iyon ay nilingon kami. “Girls, the flirt devil is here.” “BUTI na lang at tumila agad ‘yung ulan, ‘noh?” Si Ricky ang nagsabi nun. Samantalang wala namang sumagot sa aming apat nila Yanna, Sapphire at Vanilla sa kanya. Nasa biyahe na kami pauwi. Actually, halos malapit na kami sa San Clemente. Buti na lang at from signal number three ay nag-number two na lang, at wala nang malakas na ulan kaya nakabiyahe na kami. “Huy, girls! Galit pa ba kayo sa akin? Nag-mega sorry na nga ako kahapon pa, di ba?” muling salita ni Ricky, pero wala uling sumagot sa aming apat. "Ayaw n’yong sumagot? Ititigil ko itong van dito sa gitna ng zigzag road?” “Hoy!!!” “P**a, bakla! Ayoko pang mamatay!” “L*ch* ka!” “Ricky!!” “Oh, ayan. Nagsalita rin kayo,” masiglang sabi ni Ricky. “Alam mo, bakla? Mag-drive ka na lang nang mag-drive. Wala naman na kaming magagawa. Eto oh, pauwi na tayo. Pakibilisan na lang po at baka nag-aalala na sa akin si Pablo. Paniguradong kahapon pa ako kinikontak nu. Ang alam niya, kahapon dapat ang balik natin,” mahabang litanya ko kay Ricky. “Uy! Mag nag-aalala rin naman sa amin, ah! Para namang si Pablo lang ang nag-aalala sa ‘yo,” sagot sa akin ni Sapphire. “Tama! Si Pablo lang talaga ang mag-aalala sa akin doon kapag hindi ako nakauwi. ‘Yung pamilya ko? Walang pakialam ang mga ‘yun, lalo na si Papa at Angelica. Baka nga matuwa pa ‘yung dalawang ‘yun!” “Bakit hindi mo pa ayaing magpakasal si Pablo, para makaalis ka na sa bahay n’yo?” tanong ni Yanna na nasa pangatlong row ng van. “Hello! Niyaya na ako ni Pablo, right? Remember nung graduation natin? Dadating din kami dun, don’t you worry, girls… ” “Oh, eh di mag-live in na lang muna kayo. Para makaalis ka na sa bahay n’yo.” Bahagyang tumaas ang isang kilay ko, at saka nilingon si Vanilla. “Eh, di lalo akong na-bad shot kay Papa?” Nagkibit-balikat si Vanilla, at saka nagsalita uli. “Ewan ko ba dun sa Papa mo, parang hindi ka anak kung tratuhin ka.” Hindi ako nakasagot agad kay Vanilla. Tila may nasaling sa damdamin ko ang binitiwan niyang salita. “Ooops! Sorry. Na-offend ba kita, Jazz?” Kita sa mukha ni Vanilla ang pagsisisi na nasabi niya ang mga salitang iyon. "H-Hindi. Hindi naman. Saka wala akong nakikitang dahilan para mangyari ‘yung sinabi mo,” sagot ko sa kanya. “Ay naku, Jazz… huwag mo na intindihin iyang ipokrita na ‘yan. Mag-ready ka na, at ikaw ang una kong ibababa. Baka umuusok na ang ilong ni ‘sweetheart’ sa mga oras na ‘to. Natawagan mo na ba siya na padating ka na?” agaw ni Ricky. “Hindi eh. Low bat na pala phone ko, pero nakailang text naman ako sa kanya kanina habang nasa biyahe tayo kapag nakakatiyempo ako ng signal. Iyun nga lang, sa dami ng text ko, hindi naman nagre-reply si Pablo.” “Sus! May dala akong power bank bakit hindi ka nagtanong?” sagot ni Sapphire sa likod. “Nawala na sa isip ko. Hayaan n’yo na, malapit na naman tayo, eh. Baka naman pinatulog na ni Mama sa bahay si Pablo kagabi. Or baka, umuwi muna ‘yun at babalik na lang mamaya.” Wala nang sumagot sa kanilang apat. Tahimik na ulit kaming lahat sa biyahe. Nagsalita lang si Yanna nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. “ “Oh, nandiyan pa pala ‘yung ‘sweetheart’ mo.” Nandito kasi ang sasakyan ni Pablo sa labas ng gate namin. Dito kaya siya natulog kagabi, o bumalik na lang siya ngayon? Binalingan ko sila sa van. . “Oo nga. Pasok na ako. Baka kagabi pa ‘yun nag-aalala sa akin. Sige na. Alis na kayo, para makapagpahinga na rin kayo.” "Bye, Jazz! Pihadong bugbog ‘yang nguso mo mamaya sa sobrang miss sa iyo ni Pablo,” nakangiting tukso sa akin ni Sapphire. “Tsk! Kahit kailan ikaw, ang halay mo!” sagot ko sa kanya. Umikot naman ang mga mata nito. “Para kiss lang, mahalay na?” “Sige na! Sige na! Alis na! Magsi-uwi na kayo! Oy, Ricardo. Ihatid mo ang mga ‘yan sa mga bahay nila ha.” “As you wish, Jazerine.” Bahagya akong napangiwi. “O, di ba? Alam mo ang feeling ng tinatawag sa totoong pangalan?” sumbat ni Ricky sa akin. “Tse! Tsupi! Alis na kayo.” “Bye, Jazz!” malakas na sabi ni Vanilla, at saka isinara na ang sliding door ng van. Tinanaw ko pa ang papalayong sasakyan, bago ako bumaling paharap sa gate namin. Naisipan ko namang aninagin ang loob ng sasakyan ni Pablo. Baka mamaya ay nasa loob lang pala ito, at natutulog. Nang masiguro kong walang tao sa loob ng sasakyan, ay dumerecho na ako sa gate. Agad naman akong natanaw ni Mang Cenon, ang matagal nang guwardiya namin dito sa bahay, at nagmamadaling pinagbuksan ako ng gate. “Magandang umaga, Jazz. Kahapon ka pa hinihintay ng nobyo mo, ah. Diyan na nga pinatulog ni Mam.” Ngumiti ako kay Mang Cenon. Jazz lang talaga ang ipinapatawag ko kay Mang Cenon. Hindi katulad ni Angelica, senyorita Angelica ang gusto niyang itawag sa kanya. Naiilang kasi ako sa senyorita. “Mabuti naman. Sayang naman kasi kung babalik din naman siya ngayong araw. Sige po, Mang Cenon… pasok na ako sa loob. Mukhang tulog pa silang lahat.” “Naku, malamang iyon, Jazz. Late na rin nakauwi ang Mama at Papa mo kagabi. Naimbitahan sa bahay ni Congressman, birthday daw nung anak na siyang tatakbo sa darating na eleksiyon.” “Ah…” “Akina yang dala-dala mo, at ihahatid na kita sa loob. Wala si Magda at Celia, mga treinta minuto nang nakalabas. Nagpunta na sa palengke.” “Ay, okay lang, Mang Cenon. Magaan lang naman. Saka idederecho ko na rin naman sa laundry ito,” magalang na pagtanggi ko sa alok niya. “Oh, sige.” Nagpatuloy na ako sa pagpasok sa kabahayan. Dumerecho na nga ako sa laundry area para ideposito na roon ang dala kong maruruming damit. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kabahayan. Tahimik na tahimik pa nga. Mukhang tulog na tulog pa silang lahat. Tahimik akong umakyat ng hagdan, bitbit ang isa pang bag na may lamang mga pasalubong ko na binili namin sa La Union bago pa man kami ma-stranded. Malamang, isa sa apat na mga guest room pinatulog ni Mama si Pablo. Dahil sa ang kuwarto ni Angelica ang unang madadaanan, napagpasyahan kong unahin ko nang ipasok sa kuwarto niya ang pasalubong ko sa kanya, at mamaya na lang hanapin ang kuwarto ni Pablo. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ni Angelica. Ayaw kong makalikha ako ng ingay at magising ito. Baka mamaya ay pag-umpisahan pa ng away namin. Malliit pa lang ang nabubuksan ko sa pintuan ay sumagi na sa ilong ko ang amoy ng alak. Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang bote ng alak na nasa paanan ng kama ni Angelica, at dalawang glass wine. Dalawang glass wine? Bakit dalawa? Sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon ako ng matinding kuryosidad kung bakit dalawa ang baso ng alak na naroroon. Biglang gumalaw ang kung sinuman ang nasa ibabaw ng kama kaya napatingin ako doon. “P-Pablo?” ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD