“Miss Shiela, okay naman po ang lahat ng nasa menu? Wala naman pong kulang?” nakangiting tanong ko sa head ng catering. Nandito ako sa Hotel Tierra para asikasuhin ang mga pagkain at mga decorations para sa reception. Dito ako itinoka ng mga kaibigan ko, na hindi ko naman kinontra na. Mabuti na rin naman siguro ang ganito. Kung nandoon ako sa simbahan, hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo nga, at maluwag ko nang natanggap ang kapalaran namin ni Pablo. Pero hindi pa rin maalis sa akin ang panghihinayang. Napatawad ko naman na si Angelica, siguradong hindi ko pa rin maaalis na masaktan kapag nasaksihan ko na ang kasal nila. Inaamin ko, masama pa rin ang loob ko kay Angelica. Pero wala naman kasing mangyayari kung kikimkimin ko ang sama ng loob na iyon. Hindi na rin naman ma