As the years goes on! Ilang taon n rin ang nakalipas simula noong binulabog sila ng matinis na boses ni Marya Clarang may sungay. Ngunit parang kailan lang iyon nangyari dahil heto at nangungulit na naman ito. "Ay, kung ayaw ninyo akong payaga ay pupunta ako sa Isabela, Mommy, Daddy. Kina Lolo JR at Lola Lynne ako magpapaalam," nakasimangot nitong wika. "Anak, ano ba kasi ang ayaw mo rito sa bansa natin? Kung gusto mong sumunod sa yapak namin ng Daddy mo ay malaya ka namang mag-enroll sa anumang universities dito ah." Muli ay Pagsalungat ni Janellah. "At ano pagkatapos, Mommy? Ipadala ako sa Mindanao? Sa Basilan? My God, Mommy! Iyan ang wala sa bansa natin. Walang fair treatment para sa mga baguhang tulad ko. Tama ka po. Gusto kong maging bahagi ng military department like Kuya Vin(Jer

