Few years later... "Hey, son. What's happening here?" agad na tanong ni Jameston sa anak. Kaso hindi pa nakasagot ang isa sa kambal nilang anak ay inunahan na ito ng nag-iisang babae. Anim na taon na ang kambal noong ipinagbuntis ito ng asawa niya. Kaya nga pinangalanan nila itong Mary Claire dahil bukod sa nataon sa kaarawan ni Mama Mary ang kapanganakan nito ay nag-iisa pa itong babae. Graduating na sa Elementary ang kambal at nasa grade one naman ito. "Bad sila ni Kuya, Jerwayne Luke, Daddy. Ayaw nila sa akin. Bad sila!" galit nitong wika. "Hindi iyan totoo, bunso. Ayaw ka lang naming makipag-away sa lalo at bata ka---" "No! I won't! Sila ang bad, Kuya. Bakit nila tinulak ang kaklase ko? Dahil ba mas malalaki sila? Aba'y mali iyon, Kuya!" Malakas nitong pamumutol sa Kuya Jervin Dan

