Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi ko binigyan ng kahit anong assurance si Greeny tungkol sa pabor na hinihingi niya. At hindi ko din naman kinumpirma sa kanya kung bampira nga ako hanggang sa tuluyan siyang umalis. Pero nakikita ko sa mga mata niya na desidido talaga siyang hingin ang tulong ko kaya nakasisiguro akong babalik at babalik pa rin siya sa akin. “Heyd?” Kunot noong pumasok si Xan sa office niya kung nasaan ako. “Anong ginawa dito ni Greeny?” Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanya dahil nakatuon ang tingin ko sa bukas na pinto ng balkonahe. “Bakit aware si Greeny sa mga bampira? At bakit mayroon siyang ideya na isa akong bampira?” “E-eh?” Bumuntong hininga ako tsaka bumaling sa kanya. “She actually begged in front of me to help her friends t

