Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov "Higit na mas malakas ang self-regenerate ability ng dugo ni Kei dahil isa siyang Sierra na mayroong proteksyon at basbas ng lahat ng nilalang na naninirahan sa bansang ito," sabi ko. "Kaya iyan lang ang nakikita kong paraan para gumaling agad ang sugat kong ito." "Well, wala namang problema kung iinumin mo ang dugo ni Wayne," sabi ni Xan. "Pero alam mong hindi lang kapangyarihan ng dugo ni Wayne ang makukuha mo." "I know." Bumuntong hininga ako. “It will be hard for me to process so I want you to do something for me.” Diretso akong tumingin sa mga mata niya. “And you are the only one who can do it.” “But it will be hard,” aniya. Tumango ako. Tumingin siya kay Greeny na nakatayo lang sa isang tabi at mangiyak-ngiyak na habang nakatingin sa akin pagk

