Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Alam kong dapat ay pinai-imbestigahan ko na ang tungkol sa mga lalaking iyon na ramdam kong mga hindi normal na mortal pero dahil nasa loob sila ng teritoryo ni Xan ay kailangan kong magpigil muna. Ayokong ilagay sa alanganing sitwasyon si Xan lalo na't malaki ang posisyon ng mga lalaking iyon. Kaya naman kahit ipinagsisigawan na ng kutob ko na may gagawing hindi maganda ang mga iyon ay pinipilit kong huwag gumawa ng kahit ano. At itinuon ko na lang ang atensyon ko sa nag-iisang bagay na gustong-gusto kong gawin. "Anak ka talaga ni Heya, Heydrich." Napalingon ako kay Xan na nakaupo sa kanyang mesa habang nakatingin sa akin. "Syempre. Hindi naman mapagkakaila iyon eh." "Kaya nga," aniya. "Kaya pati ang hilig niya sa pagtulog ay

