Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov We are now finally home. At talaga namang pagod na pagod ako. Ngayon ko na-realize na hindi pala biro ang trabaho na ginagawa ni Xan. At sa kabila ng dami ng trabaho niya ay nagagawa pa niyang maglaan ng oras at pagkakataon para lang makapunta at makatulong sa akin. But everything is worth it. Nakatulong kasi ako kay Xan while he was busy doing the job that I asked to him. Aside from that, I also managed to acquire the previous main residence of the Holland Clan. Well, thanks to Greeny. She really did what she said. Inasikaso niya ang lahat ng papeles ng lupaing iyon sa loob lamang ng dalawang oras at nang makabalik siya sa akin ay agad niyang ibinigay iyon sa akin. With a legal seal from a different government organization

