Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Then, you are aware,” sambit ko at naglakad palapit sa kanya. Ngunit mabilis na naging alerto ang mga elite vampire na nakapalibot sa kanya sa takot na may gawin ako kaya agad ko na lamang itinaas ang dalawa kong kamay bilang tanda na wala akong planong gawin sa kanya. Agad naman niyang pinigilan ang mga ito at sinenyasan na bahagyang lumayo sa kanya tsaka tumingin sa akin. “Yes, I am aware of the ritual to resurrect the woman that is now residing inside my body.” “So, are you also aware that if you did something that I will not like, I don’t have any choice but to kill you?” “Mom!” sigaw ni Hei nang marinig ang sinabi kong iyon pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. Ilang hakbang na lang kasi ang layo ko kay Ara at mataman ang titigan na ami

