Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov We only have three minutes before the clock hits twelve midnight. At sa mga oras na ito ay nakatayo na kami sa mismong kinatatayuan namin noong nakaraang dumating kami dito pero hanggang ngayon ay buhat pa din ako ni Wayne. Ang sabi niya kasi ay mas mabuti na ito nang sa gayon ay hindi siya mapabitaw sa akin at hindi din ako mapalayo sa kanya dahil siguradong aatakihin kami agad ng mga bampira na nakasunod sa amin. Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y bumaling kay Wayne. “Are you ready?” Tumango siya. “Yes.” Itinaas ko ang aking kamay at pinatulis ang aking kuko sa hintuturo pagkuwa’y ito ang ginamit upang hiwain ang aking palad. Ikinalat ko ang aking dugo sa paligid namin hanggang sa tuluyan itong maghilom. “Nandito na sila,

