Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov I was actually planning to avoid Greeny once I get inside our classroom pero mabilis niya akong in-ambush sa labas ng gate ng school namin. Mukhang alam niya ang gagawin ko kaya dito palang ay hinintay na niya ako nang sa gayon ay masiguro niyang hindi ako makakalayo sa kanya. Pero hindi ko na iyon magagawa lalo na ngayong naka-angkla na ang kanyang mga kamay sa braso ko habang tinatahak namin ang hagdan papunta sa fourth floor ng main building kung nasaan ang room namin. “Hanggang kailan mo ako plano na hawakan?” “Siguro ay hanggang sa sabihin mo na sa akin ang desisyon mo tungkol sa sinabi ko kahapon,” aniya. “I don’t have much time so I really need your answer within this day.” Nakikita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata n

