Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Isang hindi inaasahan na tanawin ang bumungad sa amin nang tuluyan kaming makarating sa compound ng mga Richelle. Wasak ang buong lugar at may malaking butas sa gitna ng lugar kung saan kitang-kita ang mga palapag na nasa ilalim ng lupa. Marami ang sugatan at hindi maitatago ang pinsala na tinanggap ng buong angkan sa nangyaring pagsugod sa kanila. Agad kaming lumapit kay Ninth nang makita namin itong abala sa pag-uutos sa mga tauhan. "Ninth!" tawag ko dito. Napalingon siya sa amin at tila nakahinga ng maluwag. "Mabuti naman at walang masamang nangyari sa inyo." "Hindi ba't ang dapat mong intindihin ay ang sitwasyon nyo ngayon?" sabi ko at bumaling sa paligid. "Kayo ang tila dinaanan ng delubyo." "Well, we can always rebuild this area," ani

