Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Bakas man ang pag-aalala sa mga mata ni Kreyo habang bitbit niya ang kanyang anak ay nangingibabaw pa din ang kanyang saya habang nakatitig sa munting sanggol. “Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon ako ng anak,” sambit nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang anak. “Para sa akin, isang sakit lang sa ulo ang pagpapalaki ng isa na namang nilalang kaya ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako kailanman makakabuntis.” Bumaling siya sa babaeng kamukha ni Mommy Heya. “Pero nagbago ang lahat ng mapadpad ako sa kagubatang ito ay makilala ko ang babaeng ito.” “Nagbago ang paniniwala mo?” Umiling siya. “Nananatili pa din sa isip ko na hindi magiging madali ang magkaroon ng anak. Alam kong puro hirap ang aking dadanasin sa pagpapalaki dito

