Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Matapos naming libutin ang ilang establishments na naka-base sa Shiann Tower, ang pinakamataas na building sa buong Valier Kingdom, nakikita ko kung bakit sikat na sikat ito sa buong bansa at talagang pinupuntahan araw man o gabi. At lahat ng nagpupunta dito ay talagang gumagastos ng malaking halaga upang malibot ang bawat facility na mayroon dito lalo na’t ang buong tower ay hindi talaga basta malilibot kaya kakailanganin talagang kumuha ng kwarto na siyang pagpapahingahan. Sa dami kasi ng tao dito araw-araw ay hindi na maaaring pagpahingahan ang ilang waiting shed na nagkalat sa bawat palapag. “Hindi ko akalain na nakakapagod palang libutin ang tower na ito,” sabi ni Zeri nang maihatid niya kami sa kwarto na para sa amin ni Hei. May sarili siyang s

