Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov Isang malaking balita ang nangyaring pagsabog sa rogue city kaya naman masyadong abala ang buong bansa sa pag-alam kung ano ang nangyari sa lugar na iyon. At syempre, higit na abala ang mga Shiann dahil talaga nga namang may nakatutunaw na substance ang pampasabog na ginamit ni Ara. Kaya hindi nila magawang pumasok sa loob ng lugar. Siguro ay malaking tulong na din ang natural na barrier na nakapalibot sa Rogue City at ang dagdag na barrier na pinalibot ko dito upang pigilan ang pagkalat ng substance na iyon. But I am sure that the Shiann Clan is actually suspecting my involvement in that incident. Hindi lang sila makagawa ng kahit anong imbestigasyon sa amin dahil hindi kami lumalabas ng mansion. "Kamusta ang mga pasyente mo?" walang gana kong tano

