Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Tulad ng sinabi ni Xan, isang malaking balita ang sumalubong sa buong Valier matapos niyang direktang ipinadala sa media ang mga video na nakunan ng security camera sa ospital. At talaga namang malakas ang impact nito sa buong bansa dahil maging ang ginawa kong pagpatay sa mga bampira ay isinama niya sa video feed na kanyang ipinadala at ngayon ay ipinapalabas na sa buong bansa. Naka-blur nga lang doon ang aking mukha kaya hindi basta makikilala pero hindi naman tinakpan ang uniform na suot ko kaya alam na din ng buong bansa na ang babaeng tumapos sa mga bampira na siyang pumatay sa maraming mortal sa ospital ay nag-aaral sa First Kei University. Para sa mga nakakaalam ng pagkatao ko, nakasisiguro akong alam na nila na ako ang may kagagawa

