Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov "Zedd!" Agad ko siyang niyakap nang salubungin niya ang pagdating ko sa kanilang village. "Kamusta dito?" Kumalas ako ng yakap tsaka bumaling sa mga kasama niya at tinanguan ang mga ito." Nag-bow sila sa akin bilang pagbibigay ng galang. "Maayos naman," aniya. "Wala namang pagbabago sa buhay namin ngayon." "And that is great," sabi ko. "Anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kaya sasabihin ko na kung ano ang sadya ko sa lugar na ito ngayon." Kumunot ang noo niya. "What is it?" "Well, may mga impormasyon kasi kaming na-uncover so I had to perform sa test and experiments," kwento ko. "Just for me to get all the results that I need, I am here to get a full vial of blood from all of you." "What?" Tumangu-tango ako. "I know, okay? This is the first

