Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Nang makarating kami sa office ni Xan ay naroon na din si Zeri na naghihintay sa amin. Kinawayan pa niya kami at itinuro si Xan na abala pa sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya naman sa kanya na kami unang lumapit. At iniisip niya siguro na wala na akong gagawin sa kanya kaya hindi na siya nag-abala pang umiwas sa akin na ginamit kong pagkakataon para pitikin ang kanyang noo. “Oh s**t!” mahina niyang mura habang sapo ang kanyang noo. Well, aminado akong nilakasan ko iyon pero alam ko naman na makakayanan niyang tiisin iyon. “Damn it.” “Sabi ko sa iyo, huwag kang magpapahuli eh.” Tinawanan ko nalang siya tsaka tumayo sa harap ng mesa ni Xan. At nang makita ako nito ay agad siyang nagpaalam sa kausap at itinuon na sa akin ang

