Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame ng silid na tinitigilan ko. I know for sure what happened to me but I can’t seem to understand the reason for this. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil nakakaramdam pa din ako ng kirot. Pero hindi na ito tulad ng nangyari sa hot spring pool kaya tingin ko ay hindi na ako magpa-pass out uli. Dahan-dahan akong bumangon at eksakto naman na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad doon sina Wayne at Zeri na may dalang kung anu-anong pagkain at inumin na may kasama pang mga bimpo at palanggana na puno ng tubig at yelo. “Heydrich!” Agad silang lumapit sa akin. “Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Wayne. “Medyo masakit pa ang ulo ko kaya pakihinaa

