Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Pinabayaan ko nalang si Greeny na mag-iiyak doon. Aba’y lalo lang akong naaawa sa ginagawa niya at nabu-bwiset lang ako. May mas mahalaga pa akong dapat asikasuhin kaya naman agad na akong nagtungo sa office ni Xan pero hindi pa man din ako nakakarating doon ay nakasalubong ko na si Zeri. “Tapos ka na sa trabaho mo?” tanong ko na agad niyang tinanguan. “I was about to wait for you at the school entrance pero nakita na kita sa ibaba,” aniya. “And I also saw how you treated Greeny back there.” Napaismid ako. “It is her fault.” Hinawakan ko siya sa kamay. “Huwag na nating pag-usapan ang babaeng iyon. May kailangan tayong puntahan kaya kita binalikan dito.” Kumunot ang noo niya. “Saan naman?” “Basta.” Hinila ko na siya para makarat

