Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi naman ako nakatulog kagabi at ibinuhos ko nalang ang oras ko sa pagte-training kung paano muling kontrolin ang kakayahan ko. And fortunately, hindi na ako nahirapan sa pagkakataong ito. Siguro ay dahil unti-unti na akong naliliwanagan sa mga nangyari noon at nagsisimula nang umayos ang takbo ng utak ko sa panahong ito. Kaya naman ang unang plano ko para sa umagang ito ay magsimulang maggala sa buong Sierra City. At syempre, hindi pa ako pwedeng umalis na mag-isa dahil malaki=laki din ang pinagbago ng mga daanan at baka maligaw pa ako. So, naisipan kong isama na lang si Zeri dahil magiging abala si Wayne sa mga gawaing bahay. Isinama ko na din si Hei dahil hindi ko naman siya pwedeng hayaan na sa bahay lang. Isang millennium d

