Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Naglibot-libot lang ako at eksakto naman na mayroong malapit na park na hindi kalayuan sa First Kei University kaya doon ako dumeretso. Marami-raming tao ang nakatambay dito. May mga bata din na nagtatakbuhan sa malawak na field habang ang kanilang mga yaya ay nasa gilid at nagkukwentuhan. May nakita din akong isang hilera ng mga food stall at nakaramdam ako ng gutom ng makita ang betamax na paborito naming dalawa ni Graysean kaya naman agad akong pumunta doon. “Kuya, betamax nga po,” sabi ko sa tindero tsaka inilapag ang isang paper bill. “Pakiluto po kung ilan ang magkakasya dito.” Kumunot ang noo ng tindero at tumingin sa akin. “Niloloko mo ba ako, hija? Hindi mo ba alam ang halaga ng perang iyan?” “Ahm…” Napakagat ako ng labi t

