Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng mga kasama kong mortal matapos kaming iwan ni Dainsleif. Wala naman din kasi akong magagawa dahil kapag lumayo ang distansya ko kay Graysean, maaaring mawala ang barrier na nakapalibot sa mga kasama namin at maging dahilan pa iyon para maamoy sila ng mga Shiann vampire na nasa itaas And I can't afford for that to happen kaya nagpatuloy kami kahit na nag-aalala ako sa kung ano ang nangyayari sa itaas. Hanggang sa tuluyan na naming narating ang dulo ng tunnel. At tulad ng inaasahan ay sa mismong paanan ng Ehrenberg Mountain ang bumungad sa amin nang lumabas kami ng tunnel. Agad na nagmasid sa paligid sina Wayne at Graysean upang masiguro na walang mga kalaban na makakakita sa amin. At nang masigurong ligtas na ang p

