Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Give me all the information you have about Greeny Shaw.” Iyan ang bungad ko kay Xan pagpasok ko pa lamang ng kanyang opisina matapos ang pagtatagal ko sa loob ng clinic. Kaya hindi ko na ipinagtataka nang makita siyang nakatanga sa akin na para bang nagulat sa biglaan kong pagdating. “Xan!” sigaw ko at doon lamang siya natauhan. “Oh,” aniya. “You are here.” Agad niyang iniayos ang mga papel na nakapatong sa kanyang mesa tsaka muling tumingin sa akin. “You are really here. So? What can I do for you?” “I said I need all the information about a certain woman,” ulit ko. “Her name is Greeny Shaw.” Kumunot ang noo niya. “Why are you asking about Greeny?” “You are close to her?” tanong ko dahil para bang normal lang sa kanya na bangg

