Chapter 29

1843 Words

Papasok pa lang ng gate ng bahay-hacienda ay natanawan na kaagad ni Rico ang lolo niya. Ilang taon na rin ang lumipas ngunit parang mas bumata tingnan ang Don Ponce. Sabi nga ng ilang nagtatrabaho sa hacienda ay nahiyangan ang don ng umuwi ang apo nito at nag-asawa kaagad. "Lo kumusta po?" bati ni Rico at nilapitan pa ang don na nakaupo sa may garden. Nasa may di kalayuan si Lira na nagdidilig ng halaman. Habang si Jasmine ay naroon sa may isang sulok na wari mo ay naglilista ng mga gamot para sa lolo niya. Kinawayan lang siya ng dalawa ng makita siya at ipinagpatuloy na rin ang mga kanya-kanyang ginagawa. "Hindi mo kasama si Claudia?" "Inihatid ko lo sa school. Mayroong event para sa mga bata bukas. Nag-aayos sila doon." Napatango naman ang don bilang sagot. Naupo si Rico sa isang upu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD