Tulala lang nakatingin si Claudia sa mga estudyanteng papasok sa paaralan. Doon na siya tumuloy matapos ang sagutan nila ni Rico. Nakaupo lang siya sa isang bench sa tabi ng playground ng paaralan. Kaya kitang-kita niya ang mga estudyanteng papasok sa mga classroom ng mga ito. Pati na rin ang mga estudyante niyang ihinahahatid ng mga magulang ng mga bata. Mula ng magturo siya pinangarap na ni Claudia na kung titigil siya sa pagtuturo ay itong tipong kailangan na niyang magretiro sa trabaho. Pero sa nangyari kanina, pakiramdam niya hindi na niya kayang gampanan ang magturo. Hindi siya sigurado kung babalik pa siya kung aalis siya ngayon. Pero sa ngayon gusto na lang muna niyang magpahinga. Napapagod ang isipan niya at alam niya ang dahilan. Nang mapansing oras na ng klase at wala ng mga e

