"Thank you Sisima," saglit na natigilan si Claudia sa naging sagot na iyon ni Agapito. Parang punyal na unti-unting sumusugat sa puso niya ang mga salitang iyon. "Thank you Sisima?" ulit pa niya sa isipan. Ngunit paano ba siya tatanggi sa halik na iyon ng asawa kung hindi naman niya masuway ang kanyang katawan na huwag magpadarang sa apoy na sinisindihan ni Rico para magliyab. Pikit matang binaliwala ni Claudia ang narinig. Nararamdaman din niyang hindi magtatagal maririnig din niya mula sa asawa na mahal siya nito. Sana lang talaga. Sana. Lalo lang lumalim ang halik na kanilang pinagsaluhan. Hindi na rin napansin ni Claudia na nabuhat na siya ni Rico at ngayon ay nasa loob na rin sila ng kanilang silid. Naramdaman na lang ni Claudia ang paglapat ng kanyang likuran sa malambot na kama.

