COLT Gumawa kami ng plano kung paano kami mananalo sa larong ito ngayon pagkatapos naming magdesisyon na dapat manalo kami ng walang nasasaktan o naiiwan sa aming lahat pero hindi pa kami tapos mag-usap dahil sa oras na matapos naming ang laro na ‘to na pag desisyonan din namin na mag-usap pa tungkol sa kung paano kami makakabalik sa totoong mundo kahit pa sinasabi ng iba at ng mismong creator ng game na walang daan para makalabas sa laro ito. Matapos sabihin sa amin ni First ang mga unang rule na kailangan naming malaman sa B.O.P gamit ang legendary book nila ay nag handa na kami ng mga gamit namin, baril, patalim, granada at teamwork. Sinabi niya rin sa akin kung paano gamitin ang legendary gun na pagmamay-ari ko at kung ano rin ang mga kailangan kong malaman sa iba ko pang mga gamit.

