Chapter 29 - Another Game

1762 Words
COLT “So,” ani Lynx habang naglalakad kami. Napatingin ako sa kanya pero hindi ako nagsalita at tinitignan ko lang siya dahil inaantay ko anong susunod niyang sasabihin pero wala rin siyang sinabi kaya napataas na lang ako ng balikat sa kanya. “Ang ibig kong sabihin ano ng plano mo.” Lahad niya ng palad sa harapan niya para ma-express ang ibig niyang sabihin habang nakatingin sa akin. “Hindi ba gusto mong talunin ang gamemaster na si Greg X?” tanong niya sa akin. “Ahh.” Tango ko naman dahil naintindihan ko na. Nakahinga siya ng maluwag matapos kong ma-gets ang ibig niyang sabihin tsaka niya ibinalik kaagad ang tingin sa akin. “Kailangan natin mahanap ang babaeng tumakas sa pinuntahan nating kwarto para bumuo ng team,” paliwanag ko sa kanya habang nagtitingin sa paligid dahil nagbabakasakali na baka nandito pa siya. “Payag naman ako wag lang ang mga magkakapatid na ‘yon ulit.” Tingin niya ng diretso sa dinadaan namin at mukhang nag-iisip. “Oo nga pala,” ani ko at napalingon din siya. “Akala ko ba marami kang alam sa larong ‘yon, bakit parang wala kang alam noong mga oras na ‘yon?” Balik ko rin ng tingin sa kanya pero natawa lang siya ng kaunti at sabay iwas ng tingin. “Hey?” tulak ko sa kanya, kaya napaatras siya ng konti sa gilid at napabalik din naman sa pwesto niya pero nakatingin na sa ‘kin. “Para saan ‘yon?” natatawa niyang sabi kahit na tulak na siya. Natawa naman ako ng kaunti, kaya rin siguro siya natawa. “Para yun sa pagsisinungaling mo.” Duro ko sa kanya pero nakangiti naman, kaya walang samaan ng loob. “Hindi ko naman sinasadya.” Ayos niya sa suot niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Paanong hindi mo sinasadya?” Tingin ko sa kanya ng nakadikit ang kilay. “Kasi alam kong wala akong maitutulong sa ‘yo.” Kamot niya sa ulo niya. “So sa tingin mo nakatulong sa akin ‘yong mga sinabi mo doon?” natatawa kong sabi dahil medyo wala naman siyang halos sinabi. “Hindi,” bulong niya sa hangin habang nakalingon sa kabilang parte ng dinadaanan namin. Natawa lang ako ng kaunti habang tumitingin ulit paligid hanggang sa ibahin ko na ang usapan dahil naalala ko ang tungkol sa nangyari sa kanya noong nasa cliff ako at nasa baba siya kasama ang mga robot na iyon. “Ano nga pa lang nangyari sayo noong nasa taas niyo ako?” Napahinto ako at napatingala sa likod ni Lynx, kaya napahinto rin siya at nagtataka na nakatingin sa akin dahil hindi ako nakatingin sa kanya. “Bakit?” “Sorry.” Tingin ko sa kanya sabay lingon niya rin sa likod. “Naalala mo ba ‘yan?” tanong ko. “Skills Shop?” patanong niyang tono. Mukhang hindi niya naalala. “Tara,” aya ko at nauna na akong pumasok sa skills shop na akala ko hindi totoo dahil si Greg X ang nagsabi. “Sagutin mo pa rin ang tanong ko habang namimili ako.” Utos ko sa kanya habang nakatalikod dahil nakasunod lang siya sa akin. “Ito ba iyong sinabi ng Greg na ‘yon?” Tingin namin sa paligid. “Naalala mo pala, akala ko hindi mo naalala eh.” Lapit ko sa cashier kung saan may babaeng mahaba ang buhok at kulay pula ito. Na nakatayo lang siya at nakatingin sa harapan kaya alam kong hindi siya totoong tao katulad namin ni Lynx at ng iba pa. “Hello?” tanong ko sa babae habang nagsasalita si Lynx sa likod pero hindi ko muna pinakinggan. “Welcome to skills shope,” sabi nito pagpihit ng ulo nito sa akin, kaya medyo nagulat ako ng kaunti. Para siyang manika at kita mo ‘yon sa kilos at kutis nila na nagliliwanag dahil nagre-reflect ang ang ilaw sa balat nilang plastic. “What skills are you looking for too?” tanong niya sa amin. Napatigil si Lynx sa pagsasalita at ako naman ay confuse pa rin para kasing nasa horror movie ang babaeng ito. “Can I see what skills you have in this store?” Tingin ko sa paligid pero binalik ko rin kaagad sa babaeng manika. Nilapag niya ang kamay sa lamesang nakapagitan sa amin at ini-slide niya papunta sa kanan ang kanan niyang kamay pati na ang kaliwa niyang kamay sa kaliwa tsaka lumabasa ang mga skills na pagpipilian. “We have existing skills, magic skills, summoning skills and skills for your weapon.” Tanggal niya rin kaagad ng dalawang kamay niya sa lamesa. Iniisa isa ko ang pamimili at inumpisahan ko ito sa skills for your weapon habang nag patuloy na ulit sa pagsasalita si Lynx pero naririnig ko na siya dahil namimili lang naman ako. “Noong nag-umpisa ka na bumaril sa buong paligid tsaka ako pinalapit ng First na ‘yon, i mean Greg X,” paliwanag niya habang nag-swipe ako ng mga skills na pwede ko bilin pero wala pa rin ako mahanap na alam kong makakatulong sa akin. “Tapos habang papalapit ako sa kanya bigla na lang akong nakaramdam na may tumusok sa leeg ko hanggang sa makaramdam na rin ako pagkaantok.” Tapik niya sa leeg niya at dinig ko ‘yon, kaya alam ko kahit pa nakatalikod ako. “Nakita kong nakangiti ang Greg na ‘yon bago ko bumagsak at ng bumagsak naman ako, nakita ko ang tatlo na nasa ibabaw ko at nakangiti bago ‘ko tuluyang makatulog.” Lapit niya sa tabi ko at nakitingin din ng mga description ng skills. “Tapos ‘yon nakita ko na lang na nasa magkabilaan tayong dulo habang sila nasa gitna.” Pindot naman niya sa existing skills, kaya napatingin ako pero binalik ko naman din ang tingin ko sa inuna kong pindutin. “Hindi ko talaga inaasahan na kalaban din pala sila,” ani ko at pindot ko ang isang skills sa skills for weapon na nagngangalang fire bullet tsaka ko tiningnan ang description nito. “Ikaw,” tingin ko sa kanya pero balik din sa pagbabasa ng description. “Paano ka nila nahuli eh napakalakas ng baril mo?” pagtataka niya. “Nahulog ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makita ko na lang din na nasa dulo ka at nasa kabila ako ng dulo,” sagot ko. “Nawasak ‘yung cliff?” tanong niya ulit, kaya umiling lang ako. “Eh bakit ka nahulog?” Harap niya na sa akin. Humarap din ako sa kanya at tumayo ng maayos. “Hindi ko alam bigla akong nahilo at nawalan ng lakas nung mga oras na ‘yon.” Tingin ko sa kanan kong kamay ng biglang magka-c***k ito na kulay orange uit at nagliwanag ng kaunti. Nagulat ako syempre, kaya bigla ako napahakbang paatras pero hindi naman natakot. Tinitigan ko lang ito at hindi ko na namamalayan na nagsasalita na pala siya kaya tinapik niya ako tsaka ako napatingin sa kanya. “Bakit?” tanong niya at umisang tingin sa kamay ko dahil nakatulala ako kanina dito. “Nakita mo ba ‘yon?” Turo ko sa kanang kamay ko. “Ang alin?” pagtataka naman niyang tingin sa akin, kaya mukhang hindi niya nakita o namamalikmata lang din ako. Pinabayaan ko na lang dahil baka nga namamalikamata lang ko dahil sa mga sunod-sunod na nangyayari sa akin. “Wala.” Iwas ko ng tingin sa kanya at balik sa pag pili ng mga skills. Nagustuhan ko ang fire bullets kaya nilagay ko na ito sa cart tsaka ako lumipat sa summoning skills. “Bibili ka ba ng tig-iisang skills sa apat na option na ‘to?” Turo niya sa lamesa na parang screen kung saan parang nakalapag dito ang apat na binigay sa aming option. “Pwera lang sa magic skills.” Turo ko dito dahil meron na ako nito. “Meron ka na?” tanong niya. Binuksan ko ang weapon option ko at pinunta ko sa skills tsaka ko pinakita sa kanya kung anong level na ng water skills ko. “Adik ka talaga sa larong ‘to ano?” natatawa niyang tanong pero hindi ko pinansin dahil namili na lang ulit ako. “Ikaw, paano ka nakaligtas dito hanggang ngayon kung wala ka naman palang alam sa mga laro dito at bakit ka na pasok dito, pinili mo bang makapasok dito?” Turo ko sa kanya habang nakatingi sabay pili ulit sa summoning skills. “Hindi pero basta na lang ako kinuha ng liwanag ng computer ko, siguro dahil lahat ng laro dito nilaro ko lang ng isang beses.” Tawa niya ng peke habang nakamot sa ulo. “Sige na, mamili ka na muna diyan baka dalin na naman tayo sa game ng biglaan.” Lahad ko ng kamay sa dalawang skills option na nasa tapat niya ang magic skills at existing skills. Kalahating minuto rin kami nag-swip sa mga skills dahil binabasa rin namin ang mga description nito hanggang sa lumabas na nga ang mismong black hole na hihigop sa amin sa kinatatayuan namin at nasa loob pa talaga kami ng store. “Bastos naman ‘to, namimili pa kami eh.” Hampas ko sa lamesa dahil hinihigop na kami nito paunti unti. Nag madali ng pumili si Lynx ng kung anong skills sa existing skills dahil nandoon pa lang siya nag-swipe. Binili na niya agad ito, kaya na punta na agad sa weapon option niya kasabay ng pag bawas sa pera niya at ganun rin ang sa akin dalawa ang napili ko ang fire bullet sa skills for your weapon at ang hunting dog sa summoning skills. Pinakawalan ko kaagad ang hunting dog ko bago pa kami tuluyang lumubog sa itim na butas. “Thank you for your purchase,” ani ng manikang babae. Pagkalabas ng hunting dog sinabi ko kaagad ang pangalan ng pinapahanap ko habang nakaupo ito sa harapan ko. “Anna Rashid,” banggit ko sa aso at nag madali naman na itong lumabas ng store, kaya ibinalik ko na ang tingin ko kay Lynx. “Here we go again, Lynx.” Peke kong ngiti kay Lynx dahil medyo kinakabahan ako sa tuwing papasok ng bagong game, paano kung hindi na kami makabalik? Walang reaction si Lynx at nakatingin lang ito sa akin na para bang wala na siyang takot ngayon hanggang sa lumubog na talaga kami sa itim na bilog na tinatapakan namin. “Hunt-end, the game of hunt and never end.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD