Chapter 37 - What Is It?

1290 Words
COLT Humarang sa harapan ko si Jaus. “Nakita mo na?” tanong niya habang lumalabas ang mga detalye matapos ma-scan ng maskara ang mukha niya. Dito ko na rin nalaman na hindi talaga siya tulad na inaasahan namin na nagpapanggap na ibang tao. Isa talaga siyang galing sa totoong mundo at lahat ng sinabi niya tungkol sa kanya ay lumabas na totoo pero hindi na ako nagsalita pa tungkol dito, sapat na nalaman ko na totoo at mapapagkatiwalaan talaga siya. Bago ko sumagot sa kanina pang nagtatanong kung nakita ko na ba ang hinahanap namin ay tinaggal ko muna ang maskara dahil hindi ako kumportable na magsuot ng ganito. “Susuotin ko ba talaga ‘to hindi ba pwedeng hologram na lang mula sa kamay o kung saang parte ng katawan ko?” reklamo ko. “Mag pasalamat ka pa nga at meron pa tayong pag pipilian,” sabi naman niya sa akin at habang nakahinto parin kami sa tapat ng dalawang daan. “Ano na?” singit ni Lynx pagkaharap nito sa amin. Bumuntong hininga muna ako at tsaka ko binalak na suotin ulit pero napatingin ako sa braso ko dahil nag iba ang suot ko kumpara kanina. “Niyare sa damit ko?” pagtataka kong tingin sa katawan ko na nakasuot na ngayon ng all black na damit mula ulo hanggang paa tsaka ako tumingin kay Jaus pero hindi ko pa siya tinatanong sumagot na siya kaagad. “Hindi ba sinabi ko magpapalit ang character niyo kapag sinuot mo ‘yan.” Turo niya sa maskara habang nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Lynx. “Tumalikod ka nga.” Utos ko kay Lynx para makita kung nag-iba o nasa kanya ba ang damit ko. Nang makita ko naman hindi naman ang damit ko ang suot niya. “Pwede ka na humarap ulit.” Utos ko ulit kay Lynx at sinunod niya naman ito kaagad tsaka ko humarap ulit kay Jaus. “Pwede mo na bang hanapin ang kailangan nating hanapin?” nagpipigil niyang inis sa akin dahil mukhang gusto niya ng makalabas rin kaagad sa maze na ito at mag-move forward sa plano namin kay para mapatumba si Greg X pati na itong ginawa niyang laro. “Paano ko naman mahahanap kung Hunters lang ang nakikita ko dito?” Abot ko kay Jaus ng maskara pero hindi niya ito hinawakan at nag-isip lang ng kung ano sa utak, kaya napatahimik siya ng saglit at ganun din ako pero dahil naman sa ‘yon sa inaantay ko kung anong susunod niyang sasabihin. Ilang saglit lang at natapos na siya sa pag-iisip. “Mukhang na update na nila ang laro,” ani ni Jaus. “Hindi namin alam ang ibig mong sabihin,” pagtataka kong tono. Lumapit si Lynx sa amin ng kaunti. “Hindi na lang kasi sabihin kaagad,” singit ni Lynx sa usapan, kaya napatingin si Jaus sa kanya. Huminga na lang ng malalim si Jaus para pigilan ang inis kay Lynx. “Dati kasi sumusulyap ng saglit ang mga Enders sa maskara na ‘yan para magka-clue sila kung nasaan ang Enders pero mukhang na bago na ngayon dahil madaya nga ang ganung kakayahan ng mga Hunters,” paliwanag ni Jaus sa amin sabay kuha sa kamay ko ng maskara. Sinuot niya rin ito kaagad at doon ko nakita kung paano magbago ang damit ni Jaus na mukhang nangyari rin sa akin kanina matapos kong suotin hanggang sa mawala na rin ang lahat kong suot na kulay itim dahil nalipat na sa kanya. Ilang saglit lang naman at po nawala na ang puti sa kanyang mata matapos niyang isuot ang maskara, kaya alam kong nakakita na siya sa loob ng maskara pero katulad ko mukhang na nakita niya rin ang mga detalye sa sarili ko matapos itong ma-scan ang mukha ko. Hindi rin kasi siya umimik sa pwesto niya habang nakatingin sa akin. Winawagay way ko pa ang kamay ko sa harapan niya pero hindi pa rin siya umimik pero. Maya-maya pa ay hinubad niya na rin at binalik sa akin ang maskara na parang walang nangyari, ni hindi rin siya nakapagsalita agad pagkatanggap ko ng maskara sa kamay niya. “Nakita mo rin ang detail sa ng buhay ko sa labas at sa loob ng game ‘no?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay dahil inaabangan ko siyang magsinungaling kahit pa alam ko naman ang totoong nakita niya dahil nakita ko rin ito kanina. “Hmmm.” Iwas niya ng tingin sa akin at medyo nag-aalangan pa na sabihin. “Nakita ko rin ang mga detalye ng buhay mo sa loob at labas ng laro,” amin ko sa kanya habang nakatingin at hinahawakan ng isa kong kamay ang uluhan ng maskara. “Kaya medyo na kampante na ako na ikaw ang kasama namin.” Tingin ko sa kanya habang nakangiti pagkatapos kong magsalita. “Ano ‘yon?” singit ni Lynx sa gilid dahil pinapanood niya lang kami. Napatingin ako sa kanya sabay abot na rin ng maskara para ma-testing niya, unfair naman kasi kung hindi niya alam kung anong nangyayari o pinag-uusapan namin. “Subukan mo.” Turo ko sa maskara gamit ang nguso ko habang nakaabot pa rin sa kanya dahil hindi niya ito kinuha kaagad sa kamay ko. Dahil hindi niya pa rin inaabot kinuha ko na ang kamay niya at nilapag ito sa kamay niya sabay pasuot sa kaniya gamit pa rin ang kamay niya. Nagulat siya sa umpisa parang ako kanina pero kinalaunan nakita niya rin kung anong mga nakikita namin kanina sa loob ng maskara. “Hindi ba ang galing?” tanong ko kay Lynx pero katulad ni Jaus hindi rin siya umimik pagkaharap sa akin, kaya nag umpisa na akong magtaka at magtanong. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa habang pabalik balik ang tingin ko sa kanila. “Ano bang meron bakit hindi kayo makapagsalita matapos niyong tumingin sa akin?” naiinis kong tanong dahil baka may kung ano silang nakikita sa akin. “Wala naman akong ginawang kababalaghan o maling desisyon sa buhay ko dahil computer lang ako ng computer sa bahay,” bigla ako napaisip meron pala akong maling desisyon na nagawa, maling mali. “I mean meron namang mali pero isa lang ‘yon ang hindi mag-aral para sa sarili ko at sa magulang ko na rin pero ‘yon lang ‘yun,” bawi ko sa sinabi ko kanina habang nakapantay ang dalawa kong kamay sa balikat dahil hindi pa rin silang dalawa umiimik. Hinuban ni Lynx ang masakara at mas nainis pa ako matapos kong makita ang reaksyon ng mukha niya habang inaabot niya sa akin pabalik ang maskara. “Hindi ko na dapat sinuot,” ani niya, kaya sumobra na ang pag-iisip ko. “Ano bang problema? pataas ko na ng tono sa pagsasalita. “Kung sabihin niyo kaya sa akin diba?” galit na tingin ko sa kanila. Pilit na inaabot sa akin ni Lynx ang maskara pero hindi ko ito kinukuha. “Hindi ko babawiin ‘yan o susuotin ulit pagkahindi niyo sinabi sa akin kung ano ang dahilan ng pagkawala ng imik niyo hanggang ngayon,” panakot ko sa kanila. Hindi kami nagsalita ng ilang minuto kaya sobrang tahimik hanggang sa magising na mismo ang lalaki sa likuran ni Lynx, kaya binaba kaagad ito ni Lynx tsaka namin pinagmasdan na magising. Nagising ito at nakita kami pero umpis na pumiglas ito, ngumiti lang ito at nakarelax lang ang katawan habang nakahiga na parang ito ang lalaking una naming nakilala sa naging dead end na daan kanina. Natigil ang pagtatalo namin pati na ang galit ko dahil sa biglaang gising ng lalaki ng hindi parehas ng ugali niya bago siya mawalan ng malay kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD